Chapter 19.

6 0 0
                                    

Sa kagustuhan ko na uminum, I decided to go sa convenience store na malapit lang sa bahay. Hindi na ako nagpaalam pa kay Brandon kasi after dinner hindi na s'ya lumabas ng kwarto n'ya at ayoko rin naman disturbohin pa s'ya para lang magpaalam. If ever hahanapin n'ya ako, I know he will text or call me naman.

Bumili ako ng dalawang beer at saka naupo sa bakanteng mesa. Buti nalang walang masyadong tambay kaya nakahanap agad ako ng mauupoan.

I wanted to call Brylle, sabihin sa kanya na malungkot ako kaya lang he told me earlier magiging busy s'ya dahil sobrang dami n'yang ginagawa aside from going to school. I felt so alone ngayon wala na si Brylle, wala na akong masabihan na malungkot ako o masaya. Lahat nalang kinuha sakin ng Diyos, ni hindi ko nga alam anong kasalanan ko at bakit ganitong buhay ibinigay n'ya sakin.

Marami akong bagay na sinasarili na lamang dahil lahat ng taong may alam nito walang ibang ginawa kundi pandirihan ako, kasuklaman at e judge. Ang masakit pa dun e nilalayuan ako kaya nung na realize ko na ganun pala, I stop telling people about my life story and show them na masaya ako parati kahit sa likod ng nakatawa kong mukha e isang malungkot na alaala na pilit ibinbaon sa limot.

"Eca?" Nagulat ako at nang napatingala para makita kung sino ang nakatayo sa harap ko, si Josh lang pala. "Mag isa ka lang?" Tanung n'ya sakin.

"Obvious naman," I roll my eyes at uminum ng beer.

"Pasok muna ako," sab n'ya at sinundan ko lang s'ya ng tingin bago napatingin sa cellphone ko, checking lang naman if may text galing kay Brandon.

"Samahan na kita," naupo na si Josh sa harapan ko at may beer din s'yang bitbit. "Okay lang ba?" Tanung n'ya.

"May magagawa pa ba ako e umupo ka na?" Pagtataray ko. "Baka ano isipin ni Gela pag nakita n'ya tayong magkasama."

"Break na kami," sa bigla ko e napatingin ulit ako sa kanya. "Mas pinili kasi n'yang mag abroad kaysa sakin."

"Condolence," napangisi ako sa kanya at itinaas ang bote ng beer.

"Di naman ako namatay," natatawang sabi ni Josh.

"Pareho lang 'yon," natatawa kong sabi. "Kaya nandito ka para maglasing?" Tanung ko.

"Galing mo naman manghula."

"Hindi ko na kailangan manghula pa kasi naman, I been there."

Pinilit ngumiti ni Josh sakin. Siguro naman naramdaman n'ya na ang sakit na binigay n'ya sakin noon.

"Di mo yata kasama si Brandon?" tanung ni Josh at napatingin sa paligid. "Wag mong sabihin na break na rin kayo kaya nandito ka?"

"Alam mo, hindi mangyayari na magbe-break kami. Kahit anong gawin pa namin dalawa never kami aabot sa ganyang bagay," natawa ako.

Of course, hindi kami maghihiwalay kasi never naman naging kami.

Nagsindi ng sigarilyo si Josh at inabutan ako ng isa.

"No thank you," never kasi akong nagyoyosi sa public place.

"Di ka pa rin nagbabago. Okay lang naman na makita nila. Wala naman silang paki kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Saka ang mga taong 'yan hindi  ka nila kilala," di pa rin s'ya nagbabago.

He still try to push me kahit ayaw ko. I am glad he is out of my life.

"Pag ayaw ko, ayaw ko," namoo ang inis sa boses ko at napainum ng beer.

"Okay. Sorry na."

Ayan na naman ang sorry n'ya na hindi naman bukal sa loob. Basta-basta nalang lumalabas sa kanyang bibig.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon