Mabigat ang ulo ko ng bumangon sa kama. Napahawak ako sa ulo ko at ramdam ko ang hang over. Pagbukas ng mga mata ko, nagulat ako dahil wala ako sa kwarto ko. Nakita ko rin ang bra at shorts ko sa sahig pero nakasuot pa rin naman ako ng tshirt at panty. Saka lang nanumbalik sakin ang lahat ng nangyari nung nakaraang gabi, sobrang nalasing ako.
Napaisip ako. What happened after I left them all out?
Napalingon ako at wala naman akong kasama. Pero nakita ko ang tshirt na suot ni Brandon kagabi na nasa isang side ng kama at nakapatung sa unan.
Agad akong tumayo at isinuot ang shorts ko at pinulot ang bra.
Agad akong napatakbo sa pinto at pagbukas e tamang papasok din si Brandon.
"Sir?" Nabigla ako.
"Gising ka na pala. It's almost 10 in the morning. Kain kana," sabi nito.
Amoy na amoy ko ang pintora. Nakita ko rin na may stain ng pintora kamay n'ya.
"Ahhh oo nga. Nalasing talaga ako kagabi," nahihiya kong sabi at napahigpit ang pagkakahawak sa bra ko.
Napangiti s'ya habang nakatingin sa bra ko na hawak-hawak ko.
"You should not keep on drinking and passed out lalo na kung may lalaki kang kasama sa bahay," pumasok s'ya sa kwarto at nabangga ako sa balikat kaya napasunod ako ng tingin sa kanya.
"Saan ka natulog?" Tanung ko na nag aalala na baka may nagawa ako o may nagawa s'yang mali.
"Dito. Sa kwarto ko," sagot n'ya at kumuha ng face towel.
Napatitig ako sa kanya. Nanigas ang mga paa ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayoan.
No way! Nakita n'ya akong nakahubad?
"If you are asking me if may nangyari between us. Nothing. I just saw you removing your shirt, shorts and bra. Tapos told you to wear back your shirt and you just did."
"Naghubad ako sa harap mo?" Natanong ko ulit s'ya kahit na narinig ko ang sinabi n'ya and I feel my cheeks getting hot.
He smirked and nod.
"There is nothing to be ashamed of."
Tinakpan ko mukha ko at napatakbo sa kwarto ko.
Baliw na talaga ako. Nakakahiya sa kanya dahil baka isipin n'ya na sinu-seduce ko talaga s'ya.
"Erica! Eat and take a bath! Remember we are going out today to shop things we need in here!" Narinig ko sinabi n'ya outside ng pinto ko.
Nahiga ako sa kama ko at parang bulating nalagyan ng asin na napapasipa-sipa at napapasuntok sa unan. I was so ashamed and hindi ko alam kung paano haharapin si Brandon.
I mustered up my courage. Naligo muna ako at hindi mawalawala sa isip ko na nakita n'ya ang breast ko. Sobrang hiya ko sa sarili ko and promise na hindi na ako maglalasing ng ganun kalasing.
I pull out my pink plain loose shirt at khaki shorts. Isinuot 'yon at inayos ang buhok. Pagkatapos isinuot ko ang black na sperrys. Normally, naka tsinelas lang ako sa mall pero dahil nga kasama ko ang boss ko, I need to wear shoes.
Paglabas ko e nakabihis na rin s'ya.
His hair is well comb, hindi nagbabago ang hairstyle n'ya. Nakablack shirt and naka khaki shorts din. I look down at her feet and he was wearing Janoski.
"Eat," sabi n'ya ng makita akong lumabas ng kwarto.
"Busog pa ako," sabi ko dahil hindi naman ako nagugutom talaga.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?