"Where are you going?" Nagkunot noo si Brandon na nakatingin sakin.
Saka ko lang napansin na may blackeye s'ya at putok ang labi.
"Sweldo ko po kasi kahapon kaya gusto ko sana e treat ang sarili ko sa mall. Baka mag absent din ako mamaya,"napatayo si Brandon sa kinauupoan at kahit na pinigilan s'ya ng unknown woman e hindi s'ya nagpapigil. "Oo nga po pala. Dala ko kotse n'yo Sir. Dalhin ko nalang sa bahay ulit? Or iwanan ko dito? Or baka kailangan ni Mam gamitin?"
He darted his eyes on me pero iniwas ko tingin sa kanya. Hindi ko kasi kaya makipagtitigan sa kanya lalo pa nasasaktan ako na kailangan n'ya pa ipakita sakin paano s'ya mambabae. Sinuot ko bagpack ko at itinali ang buhok sabay labas ng office.
"Erica!" Naririnig ko na tinatawag ako ni Brandon pero hindi ako nakinig. Dirediretso akong naglakad palabas ng store.
Wala akong karapatan mag selos or magalit sa ginagawa ni Brandon. It is his life and wala na akong pakialam kasi wala naman label kong anong meron sa amin. Pero sana naman iwasan n'yang ipakita sakin ang ganun kasi nakaka insecure sa akin. Sobrang manhid naman n'ya para gawin sakina ng ganun bagay.
"Erica," nahabol n'ya ako pasakay ng kotse at hinawakan ang pintoan nito.
"Bakit po Sir?" Formal kong tawag sa kanya kasi nakita kong nakasunod sa kanya ang babae.
"Stay," nag uutos ang boses n'ya pero ayokong sumunod sa gusto n'ya.
"Ang sarap naman ng buhay ng Secretary mo kasi may pa kotse pa," nagtaas kilay ang babae ng napalingon ako sa kanya.
"Sorry pero may pupuntahan talaga ako Sir e. Please bigay mo na ang araw na 'to sakin," nakiusap na ako bago pa maiyak ako sa harap n'ya. "Magpapagupit ako ng buhok saka magmo-mall."
"I'm coming with you," titig na titig s'ya sakin and I know naaawa s'ya. Siguro na feel n'ya na nasaktan ako.
Dapat hindi ko pinakita sa kanya na nasaktan ako. Dapat naging kalmado ako sa sitwasyon. Dapat pinakita ko na wala akong paki. Pero... Huli na para gawin e.
"Brandon I need you to come with me. Bakit ka sa kanya sasama?" Naiinis na ang babaeng kasama ni Brandon.
"I remember na may important pala akong pupuntahan and I can't go without my Secretary," binuksan ni Brandon ang pintoan sa likod at pinasakay ang kasama n'ya.
"Hindi kayo pwedeng sumama sakin," protesta ko at umupo sa drivers seat.
"Move," utos n'ya na siniksik ang sarili kaya napilitan akong lumipat sa passenger side.
"Parang baliktad yata. Dapat d'yan ako," sabi ng babae.
Lalabas na sana ako para makipag-palitan sa kanya pero nag lock ng pinto si Brandon and I look at him. Sinuot ko kaagad ang seatbelt ko at saka natanaw sa labas ng bintana."Janice, next time don't come here without asking me first," galit ang boses n'ya habang nagda-drive na s'ya palabas ng parking lot.
"Nag text ako sa'yo. Tinawagan kita ng ilang beses. Hindi ka naman sumasagot. I was worried lalo na after what happened in your house Brandon," nagtaas na rin ng boses ang nakaupo sa likod ng kotse.
Brandon got a swollen eyes and dark spot surrounding it. Putok din ang labi n'ya at may sugat ang mga daliri. I want to ask him if he is okay pero hindi ko magawa.
"I told you naman di ba na wait until I text or call you first," napapatingin si Brandon sa rear view mirror habang nagsasalita.
"Wait? I can't wait no more. Ilang araw na naman lilipas bago ka magparamdam sakin. Ayoko ng maghintay. Saka two weeks ka rin nawala," napakunot noo si Janice.
Gusto ko yatang tumalon palabas ng kotse. Hindi ko na yata kaya pang marinig ang naririnig ko. So sa sinasabi ni Janice, parang s'ya ang girlfriend ni Brandon.
Napaka unpredictable n'yang tao at sobrang gulo ng buhay ni Brandon. Nasali pa ako at ang mahirap sa sitwasyon ko e na attached na ako sa kanya.
"Busy nga ako. You should understand me. You knew I am trying to get my family's trust Janice."
"Oh talaga? Alam ko may iba ka na naman kinakama. Kilala kita. Tuwing hindi ka nagpaparamdam, may hinahabol at sinusuyo kang babae. Tanga lang ng mga babaeng naniniwala sa'yo."
"Pwede ba 'wag natin pag usapan ganyang bagay?"
"Why? Dahil andyan ang Secretary mo? Nahihiya ka sa kanya dahil ginagawa mo ba ang mga moves mo sa ibang babae para maka score ka sa kanya?" Bigla akong nabilaokan at naubo sa sinabi ni Janice sa gulat ko.
Napatingin ako kay Brandon na nakataas ang kilay at dilat na dilat ang mata. So umi-score lang pala s'ya sakin kaya pinaparamdam n'ya na he cares for me. Ano ba itong pinasok ko?
Pumarada si Brandon sa parking lot ng New World Mall at agad bumaba si Janice. Padabog na sinara nito ang pinto ng kotse. Sumunod agad si Brandon at huli akong lumabas.
"Please shut your mouth," mahinahong sabi ni Brandon at niyakap si Janice.
"Fuck you!" Tinulak ni Janice si Brandon at hinampas ng bag sa dibdib.
I was there watching them at napaka awkward tingnan na nag aaway sila sa harap ko. Hindi ko naman magawang umalis kasi napako ang aking mga paa sa mga oras na 'yon. My world crumbles watching Janice getting mad and Brandon trying to calm her down. Ganun pala talaga s'ya sa lahat, akala ko sa akin lang. Nag fe-feeling lang pala ako tuwing nayayakap n'ya.
"Erica right?" Nasa harap ko si Janice ng tanungin n'ya ako. Panandalian kasi akong nalunod sa mundo kong malungkot.
"Ye...ye...yes," nautal kong sagot.
"Nakipag sex ka na ba sa kanya?" Tinuro n'ya si Brandon at natitig ako sa kanya. "Sagot!"
"Walang nangyari sa amin ni Sir Brandon at walang mangyayari sa amin," pinakalma ko ang aking sarili bago sumagot.
Ito ba? Ito ba ang lagi ko nalang isasagot sa tuwing may magtatanung kung may nangyari na ba sa amin dalawa ni Brandon? Ginawa lang n'ya ba akong laruan tulad ng ibang babae? Ganun ba talaga s'ya ka demonyo?
"You can't ask her that way! You are not my girlfriend Janice!" Nagalit si Brandon ang he clenches his jaws, his eyes darted on Janice like he wanted to kill her.
"Wala tayong label pero isang taong kitang pinasaya sa US!" Sigaw nito na di na nahiya sa nakikinig. "I was there for you while you are crying for Madel! Tapos ito igagant mo sakin?"
Their fights was triggering my PTSD and I don't want to get panic attack sa open area. I just turn my back and walk away from them. The best thing that I did to save myself.
My chest tightened and I held on to it while walking away. At the back of my head I am praying that I won't get attacks.
Sobrang gulo sa utak, hinayaan kong mahulog ako sa mga patibong ni Brandon. Dapat nag-ingat ako, heto tuloy nagmumukhang tanga dahil naisahan ni Brandon.
I was heading to nowhere. Lakad lang ako ng lakad sa loob ng mall. Ewan ko ba, basta gusto ko mapagod ang sarili kasi ang utak ko ayaw din naman akong lubayan kahit gustong-gusto kong walain sa isip si Brandon.
"Eca!" A familiar voice makes me stop walking and I turn around to see it was an old friend, Paul.
"Paul," napangiti ako ng makita s'ya after how many years.
He was not just an old friend, crush ko s'ya wayback high school. So meeting him that day brighten up everything.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
Любовные романыSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?