Chapter 26.

7 0 0
                                    

"Maaga 'ata gising mo?" Tanung ni Brandon na noo'y ready na pumasok.

"Maaga kasi natulog," sagot ko at umupo na para kumain. "Kain ka muna bago pumasok Sir."

"Maaga nagising o never natulog?" Tanung n'ya pagkaupo sa upoan.

"Natulog nga," sagot ko.

Good start ang umaga ko kasi ngiti nya ang nakita ko. Mag-iisang buwan na rin na nakatira s'ya sa bahay kaya nasasanay na ako na kasama s'ya palagi. Until when? I never know. Basta sulitin ko nalang na andito pa s'ya kasi ayoko one day pagsisihan.

"Are you going somewhere later?" Tanung n'ya sakin bago lumabas ng pinto.

"Wala po akong lakad Sir," sagot ko.

"Is it possible na maghanda ka ng sinigang mamaya?" Tanung n'ya.

"Sure po," sagot ko naman.

"Bye Erica," sabi n'ya at lumabas na kaagad sa pinto.

Sa paglabas n'ya ng pinto, napaisip ako, babalik kaya s'ya? Kasi ngayon na gusto ko na si Brandon, natatakot ako na baka isang araw bigla nalang hindi s'ya umuwi. Lalo pa na pansamantala lang ang kanyang pagtira sa bahay ko.

Bahala na kung ano man ang kahinatnan ng lahat ng ito. Siguro naman magpapaalam s'ya kung aalis na s'ya sa bahay.

Buong araw wala akong ibang ginawa kundi maglinis ng bahay, sa loob at labas. Nakakabagot din pala ang manatili sa bahay pagnasanay ka na may trabaho. hindi ko na tuloy mahintay na bumalik na sa Uranus. And talking about it, sana may ginawa na si Brandon tungkol dun sa nakita ng apat na empleyado nila. Ayoko kasing pumasok tapos sasalubungin ako ng tsismis.

Mag aalas singko na ng magluto na ako ng haponan. Alam ko kasing pauwi na si Brandon sa bahay at na excite tuloy akong makita s'ya. 

"Nagutom tuloy ako," sabi ni Brandon ng pumasok sa bahay.

How I wish I could run to him and give him a hug, kaya lang hindi pwede kaya behave Erica.

"Malapit na maluto 'to Sir. Bihis ka muna," sabi ko.

"Okay," sabi n'ya.

Dali-dali ko inayos ang mesa para kumain na kami. Naririnig ko ang daloy ng tubig mula sa shower at alam ko e naliligo s'ya. Napapangiti ako na back to normal na naman ang bahay at sitwasyon namin. Sobrang nalungkot kasi ako nung manatili sa bahay si Madel.

"Masarap ba Sir?" Tanung ko sa kanya.

"Pag ikaw naghanda sobrang sarap,' sagot n'ya.

"Binubola mo na naman ako," napanguso ako.

"Akin ka nalang para laging ganito ang uuwian ko," natigilan ako sa kanyang sinabi at napatitig sa kanya. "Biro lang," dagdag n'ya.

Sana hindi na n'ya dinagdagan pa ang kanyang sinabi. Sana may lakas nang loob ako para sabihin sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya.

"Lagi ka nalang nagbibiro," sabi ko at ibinalik ang toon sa kinakain.

"Para hindi tayo boring dito," sabi n'ya. "Anyway, Sunday bukas. Got any plan?"

Oo nga pala wala kaming pakos bukas. So ibig sabihin tuesday pa balik ko sa Uranus dahil sa hindi naman counted ang day off sa leave ko.

"Pwede na po ba akong pumasok sa Monday Sir Brandon?" Tanung ko.

"Of course," sagot n'ya.

"Anong sabi nila? Nila... 'yong nakakita satin kahapon?" Tanung ko kasi curious ako.

"I explained to them and told them that we are close friends ever since kasi friend mo si Ken," sagot n'ya at dinamay pa ang kanyang kapatid. "They told me na pag may tsismis about un, silang apat ang mananagot."

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon