Chapter 17.

8 0 0
                                    

"Maaga ka yata umuwi," nagulat s'ya ng pumasok ako bigla at nasa salas s'ya at nagsi-cellphone.

"inabi ko kay Mam Carme na pinapapunta mo ako sa Condo mo," sabi ko sa kanya at inilagay ang bag a dining table pati na rin ang take out na pizza. "Nag take out ako ng Pizza Sir."

"That's sweet of you. Gutom na rin kasi ako," kita ko na sobrang busy n'ya sa cellphone n'ya at hindi man lang maalis ang mga mata n'ya habang naglalakad papunta sa kitchen.

"Nagre-report ka pa ba sa Mama ko Erica?" Tanung n'ya at biglang nagbato ng tingin sakin.

"Yes Sir. Wah ka po mag-alala. always ko po sinasabi na busy ka sa work at lagi tayong magkasama."

Naupo s'ya at nagdampot ng isang slice ng pizza. Napabuntong hininga naman ako at umupo na rin.

"Good," ngumiti s'ya sakin at ngumiti rin naman ako sa kanya.

"Alam ko na wala akong karapatan magtanong sa'yo tungkol sa buhay mo Sir. Pero gusto ko lang talaga malaman kung nagre-report ba ako sa Mama mo o sa ex girlfriend mo? Baka naman kasi isang araw makita n'ya tayong magkasama tapos mapagkamalan pa tayong magka date," natigilan s'ya sa sinabi ko at tumitig lang sa akin. "Ayoko ng gulo, kaya inaalam ko lang Sir Brandon."

"You are directly reporting to my Mom, Erica. She wanted to keep an eye on me kasi ayaw na n'ya akong makipag communicate sa ex-girlfriend ko."

"Parang ang unfair naman nun sa anak n'yo," hindi ko maiwasan ang mag comment about sa sinabi n'ya.

"I am secretly talking to my ex dahil sa anak namin. I love my son so much and I hope you keep that as a secret to my Mom."

"Wag ka mag-alala Sir. Naiintindihan naman kita."

Tumayo na ako sa kinauupoan matapos maubos ang isang slice ng pizza. Dinampot ko ang bag ko at paalis na sana ng biglang tumayo s'ya at hinarang ako.

"Sir?" nakatingala ako tumingin sa kanya. Sino naman hindi titingala sa isang 5'9 na lalaki e 5'3 lang ako.

"I'm sorry about last night. Alam ko it made you uncomfortable," umiwas ako ng tingin sa kanya at napaatras when he was about to touch me in my arms.

"Okay lang Sir. Okay lang," agad akong umiwas sa kanya at dali-daling pumasok sa kwarto ko.

Pagkasara ng pinto e sumandal muna ako sa likod nito. He remember, he clearly remember what happened the whole night. Nahiya ako sa kanya lalo na sa sarili ko dahl hinayaan kong mangyari 'yon. Yes, it may be just an embrace but for me I don't think nag-o-overreact ako, knowing he got a son and an ex-girlfriend which I can sense na mahal n'ya pa.

"Erica, let us talk about that," kumakatok s'ya sa pinto ko at lumalakas naman ang tibok ng dibdib ko habang naririg ko s'yang nagsasalita.

"Okay lang talaga Sir," sabi ko naman at hindi alam ang gagawin, kung bubuksan ba ang pinto o hintayin na lamang na umalis s'ya ng kusa sa harap ng kwarto ko.

"Please open the door. Ayoko na magkailangan tayong dalawa," he was right. Lalo na sa trabaho, hindi magiging maganda.

I open the door slowly and let him enter my room. Syempre lumayo ako enough para hindi n'ya maabot. 

"Lasing ka naman nun kaya hindi dapat natin gawin big deal 'yon di ba?" Tanung ko sa kanya at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Nawala lang ako sa sarili ko and I want someone to comfort me," sagot n'ya sakin.

"Naiintindihan naman kita sir lalo pa may pinagdadaanan kang problema," as much as possible inintindi ko s'ya.

"I'm sorry. Promise hindi na mauulit," nangangako ang kanyang boses at sincere naman ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Alam ni Ken na dito ka umuuwi. Paano nalang kung malaman ng Mama mo? Mawawalan ako ng trabaho Sir Brandon," isa din 'yon sa inaalala ko. i am doing well with my job kaya ayoko mawala 'yon sakin.

"You don't have to worry about Ken. Naiintindihan naman n'ya ako Erica."

Tumingin ako ng diretso sa kanya at nakita ko sa mga mata n'ya na nagsasabi s'ya ng totoo. until I remember na hindi mahanap ni Ken ang pangalan ko sa phonebook n'ya. Out of curiosity kaya gusto ko malaman kung anong pangalan ko sa phonebook n'ya.

"Hinanap ni Ken ang pangalan ko sa phonebook mo kagabi kasi ako daw ang hinahanap mo. Kaya lang hindi n'ya mahanap or hindi nag-e-exist sa phonebook mo ang name ko," tumitig lang ako sa kanya habang hinihintay s'yang sumagot.

"Jones," sagot n'ya sakin. "I saved it as Jones."

"Jones?" natawa ako habang inulit ito. "Pwede naman siguro Secretary, Miss Erica or Miss Jones."

I can't believe na ginawa n'ya akong lalaki sa phonebook n'ya which is a red flag. Kailangan ko mag ingat sa kanya or sa mga nakapalibot sa kanya. I don't know much about Brandon the way he knew me, kaya nakakatakot.

"I just want to make things-"

"Natatakot ka ba na baka biglang dumating ang ex mo at kalkalin ang phone mo? For sure, deleted na rin ang mga messages natin sa inbox mo Sir," panghuhula ko lalo pa't ang ibang mesages namin e napaka personal na rin at wala ng kinalaman sa trabaho.

"For your safety kaya ginagawa ko ang dapat ay hindi," he reason out.

"Guilty ka ba kasi nagiging mabait at maalalahanin ka sakin?" Tanung ko na mas lalong naging curious. "Sinasagot rin naman kita ng maayos at magalang at kung feel mo I cross the line as Secretary mo sa mga repy ko, then sabihin mo sakin para alam ko."

"Erica-"

"Sir wala naman malisya ang mga text mo at text ko saka natutuwa nga ako kasi napakabait mong boss. Ang hindi ko lang maintindihan e parang pinapalabas mo na dapat may e tago tayong dalawa sa mga tao dahil sa iniba mo pangalan ko at nag de-delete ka pa ng messages."

"Umiiwas lang ako sa gulo Erica," sabi n'ya.

"E di dapat hindi ka ganun mag text. Hindi ka dapat nagte-text na tulog kana, good night, ingat ka, sino kasama mo, wag kang makipag usap kay Josh at kung ano-ano pa."

"Walang masama sa text ko. I am just reminding you like a big bro."

"Wala nga di ba? Pero para sa'yo meron. Bakit Sir? Sinasadya mo ba para mahulog ako sa'yo?" Napatitig si Brandon sakin at umiwas ng tingin. "Part ba ng plano mo ang mayakap ako?"

Tumawa si Brandon pero halata naman pinipilit lang n'yang tumawa.

"Lasing lang ako kagabi Erica at hindi na mauulit pa. So I hope ngayon nagkausap na tayo e wala ng ilangan pa."

Sinundan ko s'ya ng tingin habang palabas ng kwarto ko. The conversation I threw on him makes him uncomfortable as well. I been fighting alone for a long time kaya ayoko na basta-basta lang ako madala ng mga diskarteng ala Josh. Kung saan paaasahin lang ako and at the end e iiwan lang din naman. Alam ko naman na may iba pang ka text si Brandon, dama ko naman na marami s'yang babae kasi hindi ako manhid at bulag para hindi makita tuwing napapangiti s'ya habang nakatingin sa kanyang cellphone.


Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon