Chapter 40

6 0 0
                                    

"Kumusta ka na pala?" Tanong ni Paul habang nakaupo kami sa loob ng Dimsum.

"Okay lang," sagot ko naman. "E ikaw ba kumusta?" Napatanong na rin ako dahil matagal-tagal na rin nung huli ko s'yang nakita.

"Ito single na ulit," natatawa n'yang sagot.

"Pareho pala tayo," natawa na rin ako.

"Sure ka ba na okay ka lang sa fried dumplings mo?" Tanung n'ya at napatingin sa kinakain ko. "Wag ka mahiya. Kumuha ka ng ano mang gusto mo."

"Hindi naman ako gutom," ngumiti ako sa kanya. Sino ba naman makakakain kong magulo ang isip?

"Hindi ko akalain na makikita kita dito. Matagal na talaga kita balak e invite na... Lumabas," nahiya si Paul at hindi makatingin sakin.

"Dapat sinabi mo. Friend naman tayo sa FB e."

"Nahiya ako. E kasi matagal na talaga kitang crush," nabigla ako sa sinabi n'ya. Crush n'ya din pala ako.

"Hala ka!" Natawa ako. "Kailan pa?"

"Highschool pa," sagot n'ya at napatitig sakin.

"Crush din kita noon," nagtakip ako ng mukha dahil nahiya ako ng maalala ko kung gaano ako kakilig pagnanakita s'ya noon.

"Mutual," natawa nalang kami dalawa.

Pagkatapos kumain, nag decide ako na mag ikot muna sa mall at sinamahan naman ako ni Paul. Marami kaming napag usapan tungkol sa mga bagay na nakapagpapalala sa amin nung high school.

Ilang ikot namin e nag decide ako na umuwi sa bahay at hinatid n'ya naman ako. Hindi ako makahindi kasi nilibre n'ya ako. Wala rin naman masama kong ihahatid n'ya ako pauwe.

Nang makarating kami sa bahay, I invited him in para mag merienda. Saka mas napapasarap kwentuhan namin dalawa and both of us look forward sa highschool reunion na magaganap the next month.

"May kotse ka pala bakit nag commute ka lang?" Nabigla rin ako ng makita ko ang kotse na naka park na sa grahe ng bahay.

"Sa umuupa 'yan," sagot ko naman at agad kinuha ang susi sa bag saka binuksan ang pinto.

Pinapasok ko s'ya at pinaupo sa salas. Saka nagpunta ako sa kusina para kumuha ng merienda namin dalawa.

Sa kalagitnaan ng pagtitimpla ko ng juice bumukas ang pinto ng kwarto ni Brandon at napatigil ako sa aking ginagawa dahil nakita ko si Janice na naka panty na lamang habang bukas na ang botones at zipper ng pantalon ni Brandon. Yes, napatitig ako sa dalawa. Nakakapit ang dalawang kamay ni Janice sa leeg ni Brandon at naglalaplapan silang dalawa na lumabas ng kwarto.

Napatingin si Brandon sakin at agad ako tumalikod sa kanilang dalawa.

"Sorry Sir. Di ko alam nasa bahay pala kayo," kinagat ko labi ko at pinikit ang mga mata.

"Stop Janice!" Sigaw ni Brandon.

"Eca okay ka lang?" Tanong ni Paul. "Shit! Sorry! Sorry!" Narinig ko si Paul at alam ko nakita n'ya si Janice na wala ng halos saplot.

"Ah... Labas muna tayo," patakbo kong nilapitan si Paul.

I pull him out of the house at nakatayo lang kami sa labas ng gate. Tulala ako at paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang aking nakita. Hindi ko gusto na makita silang ganun at hindi ko rin gusto mag react ng ganito kaya lang hindi ko maiwasan e. Nasasaktan ako na ganun lang kabilis para kay Brandon magpalit ng babaeng ikakama.

"Okay ka lang?" Nag aalala ang boses ni Paul at napatango na lamang ako.

"Pasensya kana dun. Nakakahiya tuloy sa'yo," napakamot noo ako at kinagat-kagat ang kuko.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon