Chapter 2.

30 0 0
                                    

Kinakabahan ako at hindi mapakali sa kinauupoan ko habang hinihintay ko tawagin ako sa loob ng office. I wore the best office attire na nasa closet at kahit na it was three years old clothing e buti nalang kasya pa sa katawan ko, well pinilit magkasya.

I pulled my hair up saka nag dolled up kaunti para impressive sa mata nung Supervisor na kakausap sakin. Sana lang e ma impress ko s'ya. Ayokong ma reject na naman because I received a lot of rejections sa buhay ko.

"Miss Erica Jones?" Tanung ng isang babae na nasa thirty something na yata pero maganda pa rin.

"Yes po," magalang kong tugon at tumayo sa kinauupoan.

"Halika't sundan ako sa office," sabi n'ya na nakangiti.

Sinundan ko s'ya at hindi talaga ako mapalagay kaya lagi kong pinu-pull down ang suot kong pencil skirt. Hindi din kasi ako sanay sa ganun kasuotan kaya mas dumagdag pa ito sa kaba ko.

Pinaupo n'ya ako sa harap ng mesa n'ya at agad ko naman iniabot sa kanya ang resume ko.

"Jones? Half pinay?" Napasulyap s'ya sakin.

"One fourth lang po yata ako kasi 'yong Papa ko e half pinoy po," sagot ko sa kanya.

"I see," sabi n'ya. "Sinabi naman sayo ni Jean siguro anong work mo dito so I will not repeat it anymore. Saka napag aralan mo na rin naman kong ano ang ginagawa ng secretary."

"Opo Mam..." sabi ko at napatingin sa pangalan n'ya na nakaukit sa isang kahoy na nakapatong sa ibabao ng mesa. "...Carmela Dela Torre."

"Mam Carme nalang," suggested n'ya.

"Okay po Mam Carme."

I like how she sounds friendly, sana hindi lang ito sa ngayon kundi habang nandito ako.

"Oo nga pala. Bago ang Manager naman dito, I mean he once worked here but that was long ago, kababalik lang din n'ya sa work n'ya as the Manager. Since hindi kaya nung may ari na e manage ang dalawa nilang Branch e kinuha n'ya anak n'ya para dito sa atin magtrabaho," explain ni Mam Carme sakin. "Saka more on Personal Secretary ka n'ya."

"I can adjust naman po sa work ko," sabi ko sa kanya at ngumiti to assure her that I can handle my job.

"Sana habaan mo rin pasensya mo sa kanya kasi hindi madaling pakisamahan si Brandon. Pero you know that was before. Siguro naman nagbago na s'ya."

Teka... Warning ba 'yon? Kailangan ko bang mag-alala? Saka wala naman yatang pinagkaiba ang Secretary sa Personal Secretary.

Natahimik ako bigla at sinundan ng tayo si Mam Carme.

"Dalhin na kita sa office n'yong dalawa," sabi n'ya.

Bumungad sakin ang lamig ng aircon sa pagkabukas ni Mam Carme sa pinto ng office. Wala doon ang sinasabi n'yang new manager kaya napayapa ang loob ko.

"Dito ang table mo ha. Saka hintayin mo nalang s'ya dito para magkakilala kayo. Babalikan ko kayo mamaya-maya para e ikot at ma-familiarize ang lugar."

"Mam Carme," tawag ko sa kanya.

"Yes?" Napalingon s'ya at naudlot ang pagbukas n'ya ng pinto.

"Pwede ko bang hinaan 'yong aircon?"  Tanung ko kasi nanglalamig buong katawan ko.

"Sure. Nasa mesa n'ya 'yong remote," sagot nito at lumabas na sa office.

Napatakbo naman ako agad at muntik pang matapilok lalo pa't naka heels ako at agad hininaan ang aircon.

Gusto kong ibalita sa kapatid ko na meron na akong bagong trabaho pero wala naman akong cellphone. Nawawalan na talaga ako ng pag asa na makikita ko pa iyon o maibabalik man lang. Sobra ang panghihinayang ko kasi daming memories na nandun.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon