2 - Her First Day at Work

1K 95 5
                                        

Emily got stunned upon entering the room that she will use while she stays at the Alcaraz Mansion. It is a huge room and its size is almost the size of their house in Bulacan. She did not expect this special treatment from her new employer. She already prepared herself to sleep at the maid's quarter and eat her meals with the housekeepers.

"Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin ha," Sonia, the head of the housekeepers said.

"Ms. Sonia, sigurado po pa kayong ito ang kwarto ko?" Emily asked.

"Oo naman, ito ang kwartong ipinahanda ni Don Jose para sa iyo. Tama lang naman na ito ang kwartong gamitin mo, kasi katabi lang nito ang kwarto ni Don Jose. Madali mo syang mapupuntahan kapag may kailangan sya sa iyo," Sonia uttered.

"Nakakalula po kasi, masyadong malaki para sa akin. Pwede naman po siguro akong makisingit sa quarters nyo," Emily said.

"Ang tutoo, meron pa namang bakanteng kama para sa iyo sa tulugan namin, pero si Don Jose ang nagsabi na ito ang kwartong gagamitin mo, kaya iyon ang dapat na masunod." Sonia uttered.

"Pare-pareho lang naman po tayong empleyado ni Don Jose, nakakahiya po na iba ang tutulugan ko kesa sa inyo," Emily uttered.

"Mukhang natutuwa ang matandang Alcaraz sa iyo. Ako rin naman, kahit ngayon lang kita nakilala magaan na ang loob ko sa iyo. Nakikita ko kasing mabait kang bata," Sonia said.

"Maraming salamat po Ms. Sonia, nakakailang lang po kasi talaga. Halos kasing laki na ng bahay namin sa Bulacan ang kwartong ito," Emily said.

"Ang tutoo, ito ang pinakamalaking guess room dito sa mansion," Sonia said. "Ang katabi mong kwarto ay kay Don Jose, katabi nun ang kwarto ni Garbriel, tapos kay Franco at yung sa dulo ang kay Yago," Sonia said.

"Hindi po ba kayo nalilito sa triplets? Kamukha rin ba ni Sir Gabriel at Sir Yago si Sir Franco?" Emily asked.

"Nung umpisa litong-lito ako dyan kay Gab at Franco, pero saglit lang naman. Si Gabriel nasa kaliwa ang dimple, si Franco parehong pisngi may dimple. Pero kung bago mo lang sila makikita, malilito ka talaga. Tapos biglang dumating si Yago, naku nalito na naman ako, kasi kamukhang-kamukha ni Gab at Franco si Yago. Dimples talaga ang titingnan mo sa kanilang tatlo para makilala mo, si Yago nasa kanan ang dimple," Sonia explained.

"Hindi po dito lumaki si Yago?" Emily asked.

"Hindi, nung mamatay ang Papa nila, saka lang dito tumira si Yago. Ang alam ko ayaw ng batang yan na tumira dito, mabuti na lang at napilit ni Don Jose," Sonia said.

"Mabait po ba talaga sila?" Emily asked.

"Mababait ang mga batang yan, kahit bago pa lang si Yago dito, masasabi kong sya ang pinakamadaling pakisamahan. Si Franco rin, madaling pakisamahan basta wag mo lang syang iistorbohin kapag nagtatrabaho. Yung basement ang teritoryo ni Franco, yun ang opisina nya. Tandaan mo, kung may kailangan ka kay Franco, kailangan hintayin mo syang lumabas galing sa basement. Kapag yun naistorbo, magkakagulo kayo," Sonia uttered.

"Maraming salamat po sa paalala, Ms. Sonia," Emily said.

"Wag ka munang magpasalamat, may Gabriel pa," Sonia said.

"Mukhang kay Sir Gabriel po ako dapat umiwas kasi parang dragon na bumubuga ng apoy. Kapag hindi nagsasalita, yung mata ang umaapoy. Nasampolan nga po ako kanina eh," Emily said.

"Si Boss Gab, yan na ang nakagawiang tawag sa kanya sa opisina pati na rin dito sa bahay simula nung naging president sya ng DBS. At masanay ka na kasi ganun talaga ang panganay ng triplets. Palibhasa, sya ang tinuruan ni Don Jose na mag-asikaso ng negosyo. Ayaw kasi nila Yago at Franco na humawak ng kahit anong position sa negosyo. Mahigpit si Gab at medyo suplado pero mabait na bata yun, basta wag mo lang sya kokontrahin," Sonia said. "Hay naku, masyado na akong maraming sinasabi. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka ha," she added.

Three Men Plus She (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon