10 - First Convo

711 87 17
                                    

It was a light day for Emily at work except her encounter with the DBS President everything went well for her. After dinner she prefers to stay in her room and call her family in Bulacan. Though she only has few days before seeing them again she could not help but miss them so much. She immediately dials her mother's number.

"Hello, Emily. Kamusta ka na, anak?" she heard her mother said.

"Mabuti naman po, Nanay. Kamusta po kayo dyan ni Tatay?" Emily asked in reply.

"Mabuti naman kami, and tatay mo palagi na lang binibilang kung ilang araw pa ang nalalabi bago ka umuwi sa amin," Nanay Anna said.

"Nasaaan po si Tatay, pakausap naman po," Emily uttered.

"Wala dito, may pinuntahan sila ng Ninong mo," Nanay Anna replied. "Miss na miss na kita, anak. Napakatagal ng limang araw para makita ka namin ulit ng tatay mo," she added.

"Ako rin naman, Nanay, sobrang miss ko na kayo ni Tatay, kahit maganda ang pakikitungo nila sa akin dito, iba pa rin ang pakiramdam na kasama ko kayo," Emily uttered.

"Natutuwa ako na maayos ka naman dyan. Kamusta naman ang triplets, anak, sinusungitan ka pa ba nung Boss Gabriel? Kamusta naman ang crush mo na si Yago, hindi pa ba nanliligaw sa iyo?" Nanay Anna asked.

"Hala ka, Nanay, bakit naman manliligaw sa akin si Yago? Hindi ang mga katulad ko ang type nun. Syempre sikat yun kaya malamang mga sosyal na babae nag gusto nun at hindi ang katulad ko na probinsyana," Emily said.

"Aba wag mong maliitin ang sarili mo, Anak, maganda ka at napakatalino pa, hindi ka nahuhuli sa mga sosyal na babaing sinasabi mo," Nanay Anna said.

"Number one fan talaga kita, Nanay," Emily said.

"Anak, number two lang ako, kasi si Tatay ang number one fan mo, gustuhin ko mang maging number one eh siguradong hindi papayag ang tatay mo," Nanay Anna said and Emily could not help but laugh.

"Hay naku, Nanay, stop mo yang iniisip mong magkakagusto sa akin si Yago," Emily said.

"Baka naman si Franco ang nanliligaw sa iyo, hindi mag-aabalang ihatid ka nun dito sa Bulacan kung wala syang gusto sa iyo," Nanay Anna uttered.

"Nay, wag po nating bigyan ng malisya yung paghatid sa akin ni Sir Franco, nagkataon lang po na sa Pampanga yung photoshoot namin kaya naidaan nya po ako dyan sa bahay natin sa Bulacan. Kung hindi nga po nagstay si Don Jose sa Subic nung time na yun, siguradong si Don Jose ang maghahatid sa akin at hindi si Sir Franco," Emily lengthy explained.

"Napakaswerte mo anak ang mabait ang amo mo, except yung Boss Gab. Naku makita ko lang na sinusungitan ka nun, hahambalusin ko talaga yun," Nanay Anna uttered.

"Hinahayaan ko na lang si Boss Gab, Nanay, mas naaawa ako sa kanya kesa naiinis," Emily said.

"Ang magandang gawin natin, anak, ipagdasal na lang natin kung anumang bigat ng loob meron sya eh sana alisin na ng Panginoon sa kanya," Nanay Anna uttered.

"Tama po, Nanay, ipagdasal na lang natin si Boss Gab," Emily said.

"Eh kamusta naman yung storying isinali mo, nanalo ka ba, anak?" Nanay Anna excitedly asked.

"Wala pa pong announcement ng winners, Nanay, pero ayoko na rin pong umasa, hindi na kasi talaga ako dapat pumayag na magsubmit ng entry para sa contest na yun eh," Emily said.

"Ha? Bakit naman, Anak? Aba yan na ang katuparan ng pangarap mo, tapos ngayong nandyan ang pagkakataon biglang kang aayaw," Nanay Anna said.

"Eh kasi, Nay, ayokong malaman ni Boss Gab na sumali ako sa contest, baka sabihin nun ginagamit ko ang pagiging empleyado ko kay Chairman," Emily said.

Three Men Plus She (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon