33 - The Two Old Men

759 100 33
                                        

Don Jose and Don Lino are having coffee after their dinner. Their business trip ended three days ago but as planned they stay for several days more to take a break from their busy schedule at work.

"This is the life I have been wanting for a long time. We have been working more than half of our lives. Don't you think it is about time to enjoy the fruit of our labor, Jo?" Don Lino uttered.

"I can't imagine my life just staying home and do nothing. Wala rin akong hilig pumunta sa iba't-ibang lugar para mamasyal. Mukhang mamamatay akong hindi tumitigil sa pagta-trabaho," Don Jose uttered.

"Pambihira ka naman, kumpadre. Hindi na tayo bumabata, we need this kind of enjoyment," Don Lino uttered. "Hay naku, kamusta na kaya ang mga apo natin?" he then asked.

"Ewan ko sa iyo, Kumpadre. Hindi ko alam kung paano mo ako napasunod dyan sa plano mo. Alam mo naman na hangga't maari ayokong makialam sa personal na buhay ng mga apo ko," Don Jose uttered.

"Hindi mo ba nakikita, Kumpadre? Hinatid ng tadhana sa iyo si Emily. Napakapatagal ko nang hinihintay ang pagbabalik ng panganay kong apo, pero napakatigas, kasing tigas ng tatay nya," Don Lino said. "Naniniwala akong may dahilan and tadhana kung bakit sa iyo napadpad si Emily para magtrabaho," further said.

"Hindi ko naman inakala na si Emily ang lumayas mong apo. Emily Fernandez kasi ang nakalagay sa resume nya. Pero inaamin kong nagulat ako nung makita kong kamukhang-kamukha sya ni Emmanuel, kaya mas malalim na character investigation ang ipinagawa ko," Don Jose said.

"Kasalanan ko kung bakit umalis sa poder ko si Emily. Hindi ko sya dapat ipinilit na ipakasal sa anak ng business partner ko. Kung hindi sya naglayas at sumunod na lang sa gusto ko, malamang nadamay sa eskandalo ang apo ko pati na rin ang pamilya namin. I had a very poor judgement that time. Nasilaw ako sa laki nang assets ng pamilya ng dating business partner ko. Hindi ko naman inisip na malaking sindikato sa carnapping ang hawak ng pamilya nya kaya sobrang yaman nila. Kung nung una galit na galit ako kay Emily sa pagsuway nya sa gusto ko, ngayon laking pasasalamat ko na naglayas sya at hindi natuloy ang pagpapakasal nya sa lalaking yun," Don Lino recalled.

"Matalino ang mga apo mo, Kumpadre. Katulad ng mga apo ko may mga sarili silang pag-iisip at alam nila kung sino at ano ang makapagpapaligaya sa kanila. Wag na nating panghimasukan ang personal na buhay nila," Don Jose said.

"Hindi naman natin sila pinanghihimasukan, inilalapit lang natin sa kanila ang tamang tao para sa kanila," Don Lino said.

"Hindi pa pala panghihimasok sa buhay ng mga bata itong ginagawa natin," Don Jose said, chuckling.

"Dapat kasi noon pa tayo nagkita ulit para mas maaga nating napalapit ang mga bata sa isa't-isa," Don Lino said.

"Nagkalapit naman sila Yago at Elizabeth nang hindi natin pinanghihimasukan," Don Jose said.

"Hindi nga natin pinanghimasukan kaya naghiwalay tuloy," Don Lino commented. "Naalala ko kung gaano kalungkot si Elizabeth nung mga panahon na nakipag-break sya sa boyfriend nyang basketball player. Kung alam ko lang na isa si Yago sa mga triplets malamang pinakidnap ko ang batang yun para hindi na nalungkot ang apo ko," he added.

"Ibang apelyido kasi ang gamit ni Santiago," Don Jose said.

"At ibang apelyido rin ang gamit ni Emily. Hindi kaya si Emily at Yago ang nararapat sa isa't-isa at si Gabriel at Elizabeth naman ang bagay?" Don Lino asked.

"Nakita mo naman kung paano nag-usap si Elizabeth at Gabriel nung nag-lunch kayo sa bahay, kulang na lang magbatuhan ng kubyertos.  At siguro naman nakita mo kung paano tingnan nila Yago at Elizabeth ang isa't-isa," Don Jose said.

Three Men Plus She (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon