Sophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang loob nito sa kanya at magkaroon siya ng kakayahang mapagbayad ito. She did not care about herself anymore. Simula nang mawala sa kanya ang taong pinakamamahal ay napuno na ng galit ang buong puso niya. Itinanim niya rin sa isipan na hindi dapat pairalin ang puso kapag nagmamahal, ayaw niya na muling masaktan, ayaw niya na muling maiwanan. "He must fall in love with me... he must suffer," she thought while looking at the bastard in front of her.