CHAPTER 50 - START

835 19 1
                                        

Zyler's POV

"Is that all Mama? Wala na po ba akong lilinisin?" tanong ko kay Mama Karrisa habang binabalik sa cabinet yung ginamit kong walis pati dust pan.

"Oo anak, maraming salamat sa pagtulong mo sakin." she said while folding the last clothes, and after that she started to walked towards the kitchen.

Sinundan ko naman siya para sandaling makainom ng tubig. Pagkagising ko kasi kanina ay pansamantalang iniwan ko si Lilaine sa kanyang kwarto para makapagpahinga naman siya ng maayos, masyado ko kasing pinagod.

"Oh siya anak, dito muna kayo ni Lilaine sa bahay. Pupunta lang akong bayan para mamalengke, pasabi nalang sa kanya hah?" paalam ni Mama sakin pagkakuha niya nung isang basket.

"Sure po Mama, mag-iingat kayo." ngumiti naman siya kaya hinatid ko 'to hanggang sa may gate.

Pinanood ko pa ang paglayo niya sakin bago ko napagdesisyunang pumasok na sa loob, and I hope gising na siya, anong oras na din kasi.

Hindi pa man ako nakakarating sa kanyang kwarto ay parang binabalot na ng kaba yung dibdib ko, I don't know why.

Binuksan ko na yung kwarto niya at naabutan siyang may kausap sa cellphone ko, pangalawang pagkakataon na din 'to. Natulala nalang ako nang mapansin kong nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

What the fuck, why?!

"W-Who is that Lilaine?" I asked her nervously, but instead of answering me she showed me the ongoing phone call, wala akong ideya kung sino 'yon dahil nga walang pangalang nakalagay.

"M-Mukhang may kailangan ka nang balikan, Zyler." my jaw dropped literally.

She stood up while her body was covered by a blanket, inabot niya sakin yung cellphone ko at nagulat nalang ako nang simulan niyang ibalik sa maleta yung mga dala kong damit.

"Wait, babe! Anong ibig sabihin nito?" tanong ko saka nilapitan siya, bakas na bakas sa kanyang mukha ang isang emosyon na ngayon ko lang nakita sa kanya.

"K-Kailangan mo nang bumalik sa Manila Zyler...kailangan ka ni Lysandra." napamura nalang ako sa isip ko dahil tang ina, siya na naman ang dahilan!

"No, ayoko. Hindi ako babalik sa Manila ng hindi kita kasama." mariing sambit ko.

"Sundin mo nalang ako, Zyler." her voice cracked, and I can't stop myself to get mad, at the same time to get hurt by those words that she keeps saying to me.

Sa kakulitan ko ay nagawa na din niya akong sigawan sa unang pagkakataon.

"Bingi kaba Zyler?! Hindi ba't sinabi ko sayo na kailangan ka ni Lysandra! Iwanan mo na ako dito!" kung ano-anong salita pa yung binitawan niya sakin, I stared at her eyes trying to find answer to my questions.

"I...I don't want to leave you, Lilaine." I sincerely said.

Pero kahit na anong sabihin ko, buong-buo na talaga ang desisyon niyang palayain ako.  I also begged in front of her to let me stay in her life but...she just fucking throw me away like a damn trash!

I wanna cry so hard in that time, I wanna shout those throbbing pain inside my heart, pero hindi ko na nagawa dahil nagmanhid na yung buong katawan ko nang marealize kong...ayaw na niya ako sa buhay niya.

And by that time, nilisan ko ang babaeng mahal ko ng labag saking kalooban. I leaved her alone in that place because that's the only thing she wanted me to do.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon