CHAPTER 54 - FORGET

889 29 2
                                    

Lilaine's POV

"Nandyan na daw sila Lathan," mahinang sabi ko sa kanya kaya napaangat naman siya ng tingin sakin, doon na binalot ng excitement ang kanyang mga mata.

Napabalikwas pa siya ng tayo dahil sa sinabi ko.

"W-Wait, kinakabahan ako." hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.

"You already met her two times, Zyler. So what's new about it?" boring kong tanong saka pinagkarus ang mga braso ko.

"What the---I can't believe you Lilaine. Yes, let me say I already met her but that was different! Unlike now, I will saw her as my daughter." depensa pa niya kaya hinayaan ko nalang siyang dumada sa harapan ko.

"Ako muna magpapakita sa kanya, baka isipin pa niya, multo ka ni Lathan." huling wika ko bago tinungo ang daan patungong main door.

Narinig ko pa yung pagpupuputak niya sa loob, tss, kapag ako nainis sa kanya hindi talaga sila magtatagpo nung anak niya. Pagkabukas ko nung gate ay bumungad na sakin yung kotse ni Lathan na nakababa yung bintana.

"Mommy!" tawag sakin ni Xy pagkakita niya sakin, nakasakay siya sa backseat habang si Lathan ay nakatingin din sakin ngayon.

Nakangiti ko siyang nilapitan. Agad ko siyang pinagbuksan para malaya ko siyang mayakap.

"I missed you po, Mommy." bulong niya sakin habang yakap-yakap siya, nag-init tuloy bigla yung sulok ng mga mata ko.

"Mommy felt the same, Xy. And I'm really sorry for not coming home last night. M-May inasikaso lang talaga ako." ani ko pagkahiwalay niya sakin, hinawakan pa niya ako sa magkabilang pisngi gamit ang maliliit niyang kamay.

"Ayos lang po, Mommy. Naiintindihan ko po kayo." she said in a soft voice before giving me a kiss to my cheeks, Xy is so sweet. I don't know if I really deserved her.

Inalalayan ko na siyang bumaba ng kotse kaya napababa din si Lathan mula sa drivers seat. He was wearing a black pants, paired by plain white shirt, then a denim jacket.

Ngumiti ako sa kanya kaya lumapit naman siya para gawaran ako ng halik saking sintido, nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko 'yon pinahalata. Oo, lagi niyang ginagawa sakin ang gano'n, sadyang hindi ko lang inaasahan na sa ganitong lugar pa.

Paano nalang kasi kung makita na naman ni Zyler? Eh di nagsuntukan na naman silang dalawa, at yun ang ayaw kong mangyari sa harapan ng anak ko.

"Where is he?" pabulong niyang tanong sakin.

"N-Nasa loob siya, tara pasok ka---"

"No, dito nalang ako. Hihintayin nalang kita." tinitigan ko ang mata niyang may ibang pinapahiwatig sakin, kahit nga yung sinabi niya ay parang double meaning.

Napalunok nalang ako saka tumango sa kanya ng marahan. Bago pa man kami tuluyang makapasok ni Xy ay bumaba na siya para magkapantay sila nung anak ko.

"Be a good girl to your Daddy, Xy." nakangiting wika niya habang patuloy niya itong hinahaplos sa buhok.

"Po? Diba kayo po yung Daddy ko? Am I not a good girl to you, Daddy?" nakangusong tanong ni Xy.

"I'm not in the position to tell everything to you, baby. You'll find out later, okay? I love you." bumitaw naman siya sa kamay ko para malaya niyang mayakap si Lathan.

"I love you too, Daddy." lalong bumibigat yung kalooban ko sa nakikita kong eksena nila, that's why I choose not to watch their scene, it will only give more pain to my heart.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon