CHAPTER 2 - CONDO

1.8K 63 8
                                        

Lilaine's POV

Pinagtitinginan kami ng tao dito sa loob ng mall, hindi dahil sakin kundi kay Tiya na kung maglakad ay isang super model.

Sayang nga lang at heto ako panira ng tanawin, mukha kasi akong katulong sa suot ko na tanging maong na pantalon kapares ng t-shirt ko na kulay itim.

Nakarubber shoes lang din ako na kulay puti at halatang galing talaga akong probinsya. Hindi kasi ako marunong mag-ayos.

Dire-diretsong pumasok si Tiya sa isang glass door, at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong mamahalin na salon. Binasa ko yung nakasulat sa taas, laking gulat ko nalang ng parehas na pangalan ang nakaukit doon sa restaurant na pinanggalingan ko kanina.

'Tishama Hair and Nail Salon'

Hindi ko aakalain na pati isang salon dito sa loob ng mall ay siya din ang nagmamay-ari, wow! As in wow! Nakakabilib talaga si Tiya!

Sana maging ganito din ako balang araw.

Pero ang mahalaga muna ngayon ay kailangan kong magtrabaho ng marangal para kay Mama, at ng makaahon na din kami sa hirap.

Sumunod na din ako sa kanya, nakita kong huminto siya sa isang receptionist, may sinasabi doon habang tinuturo ako dito.

Tumatango-tango naman yung babae hanggang sa may lumapit saking dalawang bakla. Nagtataka akong tumingin kay Tiya, nginitian niya lang ako kaya nagpaubaya na ako ng tuluyan.

Dito ba ako magtatrabaho? Akala ko doon sa may restaurant? Tuturuan naba nila ako paano yung mga gagawin?

Pero lahat nang katanungang 'yon ay tuluyang nabura ng paupuin nila ako sa isang upuan at nagsimulang lagyan ng  kung ano-ano.

"S-Sandali po, a-ano pong ginagawa niyo sakin?" nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumawa, nasaksihan ko 'yon sa may salamin.

Napaitlag nalang ako ng nilapit nung bakla ang kanyang mukha sa gilid ko sabay titig sakin sa salamin.

"Hija, it's called...transformation!" humagikgik pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Napanguso nalang ako at tuluyan silang hinayaan sa kanilang ginagawa.

Madami silang ginawa sa buhok ko, ginupitan ito at may kung anong pinapahid na iba-iba kulay. Tumagal ang prosesong 'yon ng ilang oras, medyo ngalay na nga din ako saking inuupuan eh.

Mabuti nalang at natapos na ito kaya pagtingin ko sa salamin ay hindi ako makapaniwalang itsura ko na yung nakikita ko.

Kinulayan nila yung buhok ko ng dark brown at binlower ng ayos. Nawala din ang pagkabuhaghag nito. Wala kasi ako masyadong ginagamit na shampoo sa probinsya kaya tiis tiis lang sa tubig.

Kaya ang dati kong buhok na abot saking bewang ay hanggang ibaba nalang ng aking balikat.

"Sa wakas, tapos na din." bulong ko at akmang lalayas na saking kinaroroonan ng dalhin pa nila ako sa kabilang parte nitong salon.

"Hindi pa po ba tapos?" naguguluhan kong tanong pero hindi sila umimik, sa halip ay pinaupo nila ako ulit sa medyo mas mababang upuan.

Ngayon, dalawang babae naman ang nag-asikaso sakin.

"Ate? Ano pong gagawin niyo sakin?" muli ko na namang tanong dahil wala talaga akong ideya sa mga pinapagawa ni Tita.

Ito naba yung sinasabi niya kanina sa kausap niya sa telepono?

Ngayon palang kasi ako nakaranas ng ganito kaya talagang naninibago ako. Sa mga kaklase ko lang kasi dati nakikita ang ganitong treatment.

"Papagandahin po natin yung kuko niyo, madam." magiliw na sagot nung isa saking kaliwa.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon