Lilaine's POV
Pawang katahimikan lang ang bumalot sa pagitan naming lahat. Ramdam ko ang mga titig sakin ni Lathan na may halong lamig, habang si Zyler ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
"W-Who is he...babe?" napunta ulit kay Zyler yung atensyon ko nang siya na mismo ang unang magsalita.
Natulala ako at hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya. Parang may humihila din saking dila dahilan para hindi ako makapagsalita.
"B-Babe?" hindi makapaniwalang usal ni Lathan.
Napapikit ako ng mariin dahil 'di ko na alam kung sino ang una kong sasagutin sa kanilang dalawa.
"Fuck, impostor!" hinubad na ni Zyler ang kanyang suot na shades kaya para tuloy silang nakaharap dalawa sa salamin.
"Ano? Ako pa talaga ang impostor? Bakit, kaano-ano kaba ni Lilaine?" kalmadong tugon ni Lathan sa kanya.
"I'm her boyfriend bro, so back off." napahimas ako saking sintido dahil sa sinagot ni Zyler sa kanya.
"H-Hindi pa kita boyfriend!" parehas naman tuloy silang napatingin sakin sa biglaan kong pagsasalita.
"But you let me---"
"Shut up, Zyler." nalaglag ang panga ko sa biglaang pagtawag niya sa pangalan nito.
Paano niya nalaman? Magkakilala naba silang dalawa? Kailan pa?
"What?! How did you know my name?" puno ng pagtataka ang boses ni Zyer habang tinatanong niya si Lathan.
Pati tuloy ako ay napatanong din saking isipan.
"Should I need to tell you how?" lumapit sakin si Lathan at hinawakan ako saking kamay, sinundan 'yon ni Zyler at kitang-kita ko kung paano magtangis ang kanyang mga bagang.
"Shit! Huwag mo ngang hawakan kung anong sakin!" akmang hihilain niya ako palayo pero pinigilan na siya ni Lathan.
Napahawak pa ako saking dibdib dahil pakiramdam ko'y naninikip ang paghinga ko. Masyado na akong nasasakal sa eksena nilang dalawa.
Para silang nakikipag-agawan sa sarili nila dahil nga sa magkamukha ang dalawang 'to. Wala din talaga akong ideya kung paano sila naging magkamukha gayong hindi naman sila magka-ano ano.
"Makipag-laro ka nga ng patas, Zyler. Hindi sa lahat ng oras, sayo papanig ang panahon. Hindi din sa lahat ng oras, ay ikaw ang pwedeng manalo." halata ang anghang sa pananalita ngayon ni Lathan.
Binantayan ko naman yung reaksyon ni Zyler na biglang dumilim at parang nag-iba bigla ang kanyang timpla.
Nilagay ako ni Lathan sa kanyang likuran at buong loob na hinarap ang kamukha niya gamit ang kalmadong emosyon, yung para bang hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena.
At kabaligtaran 'yon kay Zyler, na talagang halata sa kanya ang gulat nang makita niya si Lathan.
"I don't play games, Sir." sarkastikong tugon sa kanya ni Zyler.
"Really? Then I will teach you how to play. Mukhang hindi ka kasi hinayaang maglaro sa labas nung bata ka," pagtapos sabihin ni Lathan ang katagang 'yon ay walang sabi-sabing sinuntok siya nito dahilan para bumagsak siya sa sahig.
"Zyler!" pinigilan na siya dahil mukhang hindi pa siya nakuntento sa kanyang ginawa.
"You don't know anything! Wag kang magsalita ng ganyan sa harapan ko na para bang alam mo yung mga pinagdaanan ko!" namumula na ang kanyang mata at halatang halata na ang galit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
Storie d'amoreSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
