Lilaine's POV
Tanghali na nang magising ako mula sa mahaba at payapang tulog ko. Halos ilang araw din kasi akong nalugmok sa kalungkutan kaya heto ako ngayon at mas pinipiling magpahinga.
Sakto din naman at mamayang gabi na yung anniversary party ni Tiya sa Makati na siyang lugar na kinalalagyan nung venue.
Nakuha ko na din yung lahat ng detalye tungkol doon, at kasama sa pagdating ng invitation card ko yung isang box ng damit pati sapatos na gagamitin ko, kahapon pa.
Hindi ko pa nga nakikita kung anong itsura nun dahil saktong duty ako nang dumating yung pinadala ni Tiya.
Bigla namang tumunog yung cellphone ko kaya napatingin naman ako dito, may dumating na message mula kay Lathan.
From: Sir L
Good morning, Lilaine. Kasama ka sa party mamaya diba?
Yun lang naman yung text niya kaya agad naman akong nagreply.
Me:
Oo, diba sinabi ko na 'yon sayo?
Napangiti naman ako habang nagtatype ng aking reply. Hindi ko pa man nailalapag yung cellphone ay nagreply na agad siya.
From: Sir L
Ow, sorry, I forgot. Haha! So...can I take you to the venue later? Since iisa lang naman yung pupuntahan natin,
Me:
Sure, para iwas hassle na din sa traffic.
From: Sir L
Okay, I'll wait for you in the lobby.
Hindi na ako nagreply at lumabas na ng kwarto para makapagluto na ng tanghalian. Mamaya nalang din ako maliligo kapag malapit na magdapit-hapon.
Ginugol ko nalang yung oras ko sa pagkain pati ang panonood ng kung ano-ano sa TV, kaya ayun at tawa ako ng tawa mag-isa. Malamang ako lang nandito.
Matakot na talaga ako kapag may sumabay sa tawa ko, jusmiyo.
Sa kalagitnaan naman ng pagrerelax ko ay muli na namang tumunog yung cellphone ko, ngayon ay may tumatawag na, unknown number na naman.
Ilang segundo pa pinalipas ko bago ko 'yon sinagot.
"H-Hell---"
[ Kaaallliii! ] nailayo ko naman ng wala sa oras yung cellphone ko dahil sa lakas ng boses nitong tumawag.
"Sino 'to?" tanong ko ng mahimasmasan na siya.
[ Ano baaa! Ilang buwan kalang diyan sa Baguio, kinalimutan mo na agad ako. ] sandali naman akong napaisip sa sinabi niya.
"Hah?!"
[ Hatdog ni Adrian nakakaalog, ]
Napatakip naman yung bibig ko sa sinabi niya.
"Patricia?!" nabitawan ko pa ng wala sa oras yung hawak kong nova kaya nagkalat 'yon sa sahig, napasampal naman ako saking noo.
[ Ah shet! Naalala mo na din ako! Makapunta nga din diyan sa Baguio, baka sakaling makalimutan ko EX ko, ] natawa naman ako sa biro niya.
"M-May ex ka pala?" bigla namang tumahimik ang kabilang linya matapos kong magsalita.
[ Aba-aba, ginaganyan mo na ako Lilaine hah! Makita lang talaga kita mamaya sa party, bubuhusan kita ng Noble Savage sa ulo. ] banta pa niya na muli kong ikinatawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/246511990-288-k128958.jpg)
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...