WARNING R-18
***
Lilaine's POV
"Mommy! Nandyan na po yung school bus ko, papasok na po ako." tumayo na si Xyline mula sa kanyang upuan, ubos na din naman niya yung kanyang breakfast, saktong-sakto lang sa pag-alis niya.
"I love you po, pakisabi nalang kay Daddy umalis na ako ah?" she kissed me in my cheeks before heading to the main door, maingat niya namang isinara 'yon.
Napainom nalang ako ng tubig bago inayos yung pinag-almusalan naming dalawa ni Xy, kasi si Zyler ngayon ay nandun sa itaas hindi pa nag-aalmusal at siya yung nagpatulog sa kambal naming anak, parehas lalaki din.
Ang lakas din talaga ng genes nung kumag na 'yon ano?
Yes, I gave birth to our twins last year lang. Kaya si Xy ay malapit na ding mag-eight years old, habang yung kambal ay mag-iisang taon na sa October.
Hindi ko talaga inaasahang kambal yung dinadala ko noon, 'di pa kasi masyadong halata sa ultrasound kaya nung malaman ko ay hindi ko agad sinabi kay Zyler.
At nang dumating yung araw nung panganganak ko...ang magaling nilang Daddy ay nahimatay sa sobrang gulat. Imbes na ako yung asikasuhin nung mga Doktor, siya pa talaga ang pinagtuunan ng pansin, ang galing diba?
Nilagay ko nalag sa sink yung mga plato at agad ding hinugasan para tulungan na siya doon magpatulog. Sigurado akong iyak ng iyak padin yung dalawa dahil nga hindi marunong magpatulog ng ayos yung Ama nila.
After I washed the dishes, dumiretso na ako sa hagdanan patungong masters bedroom. Wala yung mag-ama sa loob kaya lumabas ako ng terrace kung saan doon ko nakita si Zyler na buhat-buhat yung kambal sa magkabilang kamay niya, nakaupo pa ito sa sofa.
Kusa nalang akong napangiti habang pinagmamasdan siya, kasi kahit na nakakapagod maging magulang ay nagagawa padin niyang ngumiti ng ganyan.
Alam ko din kasi na ngayon palang siya mag-aalaga ng bata, hindi niya kasi 'yon nagawa kay Xyline nung baby pa siya.
And by the way, yung naisip kong ipangalan sa kanila ay Ichiro Lucian saka Zachary Jiro.
Ichiro and Jiro is a Japanese word, meaning is first and second son, wala share ko lang 'to. Bago kasi ako manganak ay nag-isip na ako ng pwedeng ipangalan sa kanila, mabuti nalang at nagustuhan ni Zyler. Umay na kasi ako sa common names sa mundo.
"Oh thank God, they fell asleep in my hands already." bulong pa niya sabay tingin sakin, kaya hindi naman niya naiwasang mapatitig sa dibdib ko, jusqo! Alam ko na yung tinginan niyang ganyan.
Kaya sa halip na makipagtitigan sa asawa kong walang ibang ginawa kundi ang harutin ako, lumapit nalang ako para kunin yung isa.
Yeah, let me just say normal na 'yon kasi nga mag-asawa na kami ang kaso siya parang hindi nagsasawa! Nag-ngiting aso lang siya sakin saka ngingisi-ngising napaiwas ng tingin.
"Ipasok mo na si Jiro sa loob, Zyler. Baka mahamugan pa siya diyan," utos ko naman saka siya tinalikuran at nagtungo sa kwarto naming dalawa, kung saan doon ko nilapag si Ichiro sa kanyang crib.
Sumunod naman agad siya sakin, pero hindi padin mawala-wala sa mukha niya ang nakakalokong ngiti. Nainis ako kaya dinampot ko yung white bolster saka hinampas sa mukha niya.
Doon na lumabas yung tawa niyang nakakarindi talaga.
"HAHAHA! Bakit ba, asawa ko? M-May ginagawa ba ako?" nakangusong tanong niya sabay tawa padin, tell me he's not insane right?
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
