Lilaine's POV
"Daddy, where should we go next?" tanong ni Xy kay Lathan habang naglalakad kami palabas nitong kinainan naming restaurant, hawak-hawak pa naming dalawa yung anak ko sa magkabilang kamay.
"Hmm, saan mo ba gusto?" masuyong tanong sa kanya nito saka ako pasimpleng sinulyapan, tipid nalang akong napangiti saka binuhat si Xy para isakay sa likurang parte nung sasakyan.
Kinabitan ko na din siya ng seatbelt bago sumakay sa may passenger seat.
"Sa park po Daddy, doon nalang ulit tayo." bibong sagot nung anak ko pagkasakay ni Lathan sa may gilid ko, nilingon siya nito saka bahagyang ginulo ang kanyang buhok.
"Sure baby, we'll go there." pagkasabi niya no'n ay siyang pag-andar nung makina nitong kotse.
Habang nasa biyahe ay hindi mawala-wala sa labi ko ang isang matamis na ngiti na 'di matatawaran ng kahit na anong bagay.
I'm just happy because I already recovered those days when my daughter and I were not together. And I hope, napasaya ko siya kahit papano ngayon.
Binuksan naman ni Lathan yung radio para meron kaming music na pinapakinggan habang nasa daan. Kaya sinabay ko na din dito yung pag-iscroll sa social media accounts ko na almost thrice a month ko lang nabubuksan dahil super busy nga ako sa work.
Sa Instagram ko ay may kung sino-sinong nagfafollow na random people na hindi ko naman kilala at never ko pang nakasalamuha, siguro baka sila yung mga taong nakakausap ko na sa events.
Puro random pictures ko lang naman yung nilalaman nun na puro si Lathan yung may kuha since nakahiligan kong magtravel dito sa Pilipinas three years ago na.
And then in my facebook, dinagsa ako ng friend requests but I'm too lazy right now to confirmed those strangers in my account, wala naman silang dulot sa buhay ko.
Nagpatuloy lang yung ginagawa ko hanggang sa makarating na kami sa favorite park ni Xy na nandito sa Manila. It was Rajah Sulayman Park.
Ngayon lang ulit siya nakarating dito kasi last month pa yung huli naming bisita sa parkeng 'to. Gusto daw kasi niyang panoorin yung dancing fountains every night dito.
Sakto lang din yung dating namin since palubog na yung araw at nagsisimula na silang magpailaw dito.
"Daddy, did you bring again your camera po?" magalang na tanong ni Xy kay Lathan pagkababa nito ng sasakyan, ganun padin yung pwesto naming tatlo.
Nakasukbit sa braso ko yung small bag ni Xyline habang kay Lathan ay yung mga random things na dala-dala ko.
"Yes baby, ako paba makakalimutan yung camera? How will I take pictures to my queen and to her beautiful princess?" napangiwi nalang ako dahil magaling talaga siyang mambola ng tao.
Sa tingin ko, kapag nanligaw 'to ng iba, mapapasagot niya agad yung babae kasi ganyan nga siya magsalita, masyadong nakakadala. Ewan ko nga lang kung bakit ako lang yung babaeng 'di siya sinagot, eh kung tutuusin ay hindi na ako malulugi sa kanya.
Maalaga siya, marunong magluto, napaka-understanding niyang tao, basta halos lahat ng good attitude ay nasa kanya na, bonus nalang yung itsura niyang nakakalula.
About naman doon sa sinabi niya years ago sa harapan ni Mama na papakasalan niya ako pagkatapos kong iluwal si Xyline ay hindi naman natupad. And he knows the real reason of it.
Mabuti na nga lang at hindi na kami masyadong kinukulit ni Mama tungkol doon sa kasal.
Nagstop na kami sa gilid nung fountain, we are waiting for them to start the show. Meron din kaming mga kasamang nanonood at karamihan dito ay pamilya, then the rest, magkarelasyon na.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...