Lilaine's POV
3 weeks later...
Sa mga lumipas na araw magmula nang makabalik ako dito sa Maynila ng mag-isa...ay hindi na din ako nagkaroon nang kahit na anong koneksyon kay Zyler. Ayaw ko na kasi silang guluhin ni Lysandra, wala na din akong balak malaman pa kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa.
Masyadong mabilis yung takbo ng panahon, at inaamin ko din na hindi maganda ang naging simula ng taong 'to sakin. Pero kahit papano ay nagpapasalamat padin ako kasi meron na akong permanenteng trabaho, at yun ang mas mahalaga ngayon.
Ipapahinga ko muna yung katawan ko, ipapahinga ko muna yung puso ko. Gusto kong tumigil muna siya magmahal at makaramdam ng kahit na anong emosyon na maaaring makaapekto sa buhay ko.
"Kaz," nabalik ako sa tamang wisyo nang tawagin ako ni Bianca.
"A-Ano yun?" nginitian niya naman ako ng nakakaloko bago niya inabot sakin yung isang paper bag ng starbucks.
"Pinapaiwan sayo ni Sir Lathan bago siya pumunta nang Forest House kaninang hapon. Doon daw kasi magaganap yung meeting nila nung kabilang Hotel," binalot naman ako ng pagtataka matapos kong marinig 'yon.
"Hah? Bakit daw---"
"Wala ng bakit bakit, tanggapin mo nalang. Iihhh! Kinikilig ako, ano ba?!" pinilit pa talaga niyang ipahawak sakin yung pinapaabot daw ni Sir Lathan, bakit naman kaya at para saan naman 'to?
"S-Sayo nalang, busog pa ako saka kakabreak lang natin kanina ah." pagdadahilan ko naman saka binalik sa kanya yung hawak ko.
"Hay nako, Kaz! Para sayo nga daw talaga 'yan. Baka mamaya kapag nakita pa niyang ako yung kumakain nung laman eh ipatapon nalang ako ni Manager sa bundok." napaikot naman ang kanyang mata saka pinagpatuloy ang kanyang ginagawa dito sa front desk.
Napabuntong hininga nalang ako at walang nagawa kundi ang tanggapin 'to. Siguro mamayang madaling araw ko nalang kakainin, totoo naman kasi na kakakain ko lang at wala din ako sa mood lumamon ng kung anu-ano.
Ginilid ko nalang yun sa isang sulok at bumalik sa pagtatrabaho. Wala pa namang masyadong customers na dumarating kaya nagkaroon ako ng oras para magsulat sa record book ko.
Habang nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Napalunok ako at wala sa sariling nabitawan ang hawak kong ballpen, dahilan para maagaw ko ulit ang atensyon ni Bianca.
"K-Kaz? A-Ayos kalang?" utal utal niyang tanong, gusto ko man siyang sagutin pero parang nagdidilim na pati yung paningin ko, hindi ko na din masyadong naaaninag yung mga bagay na nasa harapan ko.
Diyos ko, ano bang nangyayari sa akin? Pagod lang ba 'to o may sakit na ako, hindi ko pa nalalaman.
"Huy, Kaz? Ano bang nararamdaman mo? Magsalita ka nga!" bahagya na siyang naiiyak base sa tono ng kanyang pananalita.
"A-Ayos lang ako, m-medyo...sumama lang pakiramdam ko." kahit naman magpalusot ako ay nahahalata na niya siguro kung ano yung nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
"Sandale, t-tatawagin ko si Kuya Emerson, dito kalang. Dadalhin kita sa Hospital, magpapahatid tayo sa kanya." taranta pa niyang inayos ang mga gamit na nakakalat sa harapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomansSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
