CHAPTER 56 - DESERVED

865 27 5
                                        

BABALA: Huwag masasaktan. =)))

~~~

Lilaine's POV

Since it was Sunday, maaga akong gumising kahit na wala akong pasok ngayon sa resort. Mabilis na lumipas ang panahon kaya ilang linggo na din magmula nang dito kami tumira sa bahay ni Zyler.

Naging maayos naman yung pagsasama namin mula nung dumating kami dito ni Xyline, kahit na paminsan-minsan ay ang sarap iuntog ng ulo niya sa pader. Paano ba naman kasi, ang lakas mang-asar!

I just opened the fridge and get some eggs, kasama na din doon yung bacon at ilang lulutuin kong almusal naming tatlo. Sigurado kasi ako na yung iniwan kong Daddy ni Xy sa kwarto ay mahimbing pa ang tulog.

Minsan pa nga ay mas nauunahan pa siyang magising ng kanyang anak kesa sa kanya, jusqo! Porket siya yung amo sa kanilang kompanya ay parelax-relax nalang siya dito sa bahay, baka nakakalimutan niyang may trabaho siyang dapat gawin, tss.

Habang hinihintay kong kumulo yung tubig ay naglagay na ako sa baso ng kape pati gatas para kay Xyline, hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay may boses na nangibabaw sa tenga ko.

"Good morning!" bati ni Zyler na sabog pa ang buhok ngayon, halatang kababangon lang sa kama at nakalimutan pang magsipilyo saglit sa bathroom.

Nakasuot na siya ngayon ng boxer kapares ng plain white shirt, buti naman at naisipan niyang magbihis pagkatapos nung nangyari samin kagabi. Imbes na ako yung mapagod ay siya pa itong si grabe ang tulog.

Akmang lalapitan niya ako nang itutok ko na sa kanya yung hawak kong sandok.

"Masyado ka nang nasarapan kagabi, tama na muna 'yon." walang ganang sagot ko kahit na ang totoo ay sobrang saya ko sa mga oras na 'to, dahil excited akong ibalita sa kanya yung nalaman ko saking Doktor.

I'm already 8 weeks pregnant, pero hindi pa niya nalalaman 'yon. Mabuti na nga lang at hindi niya nahahalata yung tiyan ko, siguro mamaya ko nalang sasabihin sa kanya kapag nasa labas na kami. Napagdesisyunan kasi namin na pumasyal ngayon sa Quezon Memorial Circle.

Kaya sa tingin ko, yun ang tamang oras para sabihin sa kanya ito.

"I just wanna kiss you...sa pisngi lang naman, promise." nakangusong sabi niya na parang bata kaya napairap naman ako.

"Ganyan din yung sinabi mo sakin kagabi, pero ano nangyari?" nagpigil naman siya ng tawa sa sinabi ko.

Tinalikuran ko nalang siya at muling bumalik sa pagluluto, hanggang sa maramdaman ko ang pagpulupot niya ng kamay saking bewang.

Lihim naman akong napapikit nang marahan niyang halikan ang balikat ko.

"Masyado kang blooming ngayon, Lilaine. Is it because...your sex life was active?" natigilan naman ako sa sinabi niya.

Napahigpit tuloy ako ng hawak doon sa sandok at hirap na napalunok. Sabi kasi sakin nung Doktor ay parte ng pagbubuntis ko ang pag-iiba nung itsura ko, meron ding kasabihan na kapag pumapanget ka daw ay lalaki yung dinadala mo, tapos kapag babae ay tulad nalang nitong napansin sakin ni Zyler.

Tang ina.

"I...I don't know." mahinang sagot ko sabay tawa ng pilit, he chuckled softly and slowly kissed my nape.

Hindi pa ako makapagfocus sa ginagawa ko, mabuti nalang at lumayo na siya para hayaan akong magluto dito. Tumulong nalang siya sa paghahanda nung utensils, until Xyline suddenly appeared here in the kitchen.

Binuhat na siya ni Zyler para maiupo yung bata doon sa upuang nakalaan para sa kanya. Nilapag ko naman sa gitna nung table yung mga niluto kong almusal.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon