CHAPTER 12 - BATHROOM

1.2K 31 0
                                        

Lilaine's POV

Kahit na nanghihina na yung mga tuhod ko sa mga oras na ito ay mas pinili kong manatili dito upang maayos itong gulong nangyari sa pagitan nung waiter pati ni Zyler na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

Akala ko kanina ay si Manager, pero nang tuluyan na itong humarap sakin at napadpad ang mata ko sa kanyang sintido ay doon ko nakita ang kanyang nunal.

Doon ko lang din napagtanto na wala pala si Lathan ngayon dito sa Hotel dahil pinatawag daw sila ni Tiya sa Makati kung saan may meeting na kailangan nilang daluhan.

"A-Ah Sir, tatawag nalang ako ng maglilinis diyan. Pagpasensyahan niyo na po yung nangyari, h-hindi naman---" naputol ang pagsasalita ko ng sumingit siya.

"And why are you saying that, Miss?" may halong anghang ang kanyang pananalita na mas lalong nakapagpatensyon ng kalamnan ko.

Napalunok ako saka naglakas loob na pairalin ang trabaho ko kesa sa nararamdaman ko ngayon dahil sa kanyang presensya.

"Sir, pwede naman po nating pag-usapan yung nangyari. If you want...pwede ko namang bayaran 'yang suot mo o kung ayaw mo padin, kahit 'wag mo nang bayaran ang bills niyo. Basta ang sakin lang, ay huwag niyong pahiyain ng ganyan ang nagtatrabaho dito ng marangal." nagsimulang magbulungan yung mga tao dito.

Nagsimulang magdilim ang kanyang paningin, mukhang hindi niya yata  inaasahan na sasagutin ko siya ng ganun.

"Sabihin na nating naabala ka nga, pero sana naman---"

"Cut that fucking crap, let's talk." malamig ang pagkakasabi niya nun, hindi nalang ako nakaimik agad ng hawakan niya ako sa kamay at hinila patungo sa kung saan.

"A-Ano ba Sir! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko pa at pilit na kumakalas sa kanyang pagkakahawak.

Hanggang sa tuluyan niya akong dalhin dito sa may labas ng Hotel. Lumayo naman ako sa kanya at akmang babalik sa loob ng hawakan na niya ako ng mahigpit sa braso.

Hinila niya ako pabalik kung saan doon ako mas lalong napalapit sa bisig niya.

Pinaningkitan niya ako ng mata habang nasa ganung posisyon kami.

"N-Nasasaktan ako, ano ba!" sigaw ko pa ngunit gamit ang nanginginig kong boses, nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko.

Pero habang maaga pa ay pinigilan ko na 'yon. Ayokong makita niya ulit ang kahinaan ko, natatakot lang naman ako sa kanya!

Baka kung ano na naman yung gawin niya sakin.

"How dare you to talk to me like that? Huh? Sa harapan pa ng madaming tao?!" may halong gigil na ang kanyang pananalita.

Buong lakas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sakin, napalayo pa siya ng bahagya sa ginawa ko.

"At ano din ang karapatan mong ipahiya yung waiter doon? Ikaw ba yung nagpapasahod para ganyanin mo siya?!" sigaw ko pabalik.

"Don't fucking change the topic, Lilaine!" bahagya pa akong nagulat ng bigkasin niya ang pangalan ko.

Frustrated niyang pinasadahan ng suklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay, halatang naiinis na siya.

"Bakit, Sir? Ano bang dapat nating pag-usapan at kailangan mo pa akong ilayo?!" nagtatangis na ang kanyang bagang habang nakatingin sakin.

"Bakit ka nandito?" hindi naman ako makapaniwala sa binitawan niyang tanong.

"Yan lang pala yung tanong mo, sinasayang mo lang yung oras ko." sabi ko pa at napaangat ang dalawang kamay ko sa ere.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon