CHAPTER 45 - CHAIR

773 23 0
                                        

Lilaine's POV

"Ah, shit! Sa wakas!" pabagsak kong binitawan yung hawak kong ballpen na kanina pang umaga nananatili sa kamay ko kakapirma ng isang tambak na papeles dito.

Actually ilang weeks na magmula nang maipon sila dito, pero ngayon lang ako muling nakapagfocus sa trabaho dahil hindi ko padin talaga makalimutan yung nangyaring muling pagtatagpo naming dalawa ni Zyler.

Sadyang 'di lang mawala-wala sa isipan ko yung mga binitawan niyang salita, katulad nalang nung sinabi niya na halos limang oras daw silang naghintay doon ng Ama niya, eh baliw pala siya eh!

Sinabihan naman na siya nung secretary ko na lumayas na sila doon kasi nga wala ako, eh bakit pa siya naghintay doon?! Tss.

Napasulyap nalang ako sa wall clock na nandito saking opisina at pasado alas-tres na ng hapon. Tumayo ako mula saking swivel chair at nag-unat unat ng katawan, narinig ko pa yung pagtunog ng mga buto ko sa likod.

"I'm really getting older," I whispered before turning my gaze into the wide window behind my chair, nakatakip 'yon ng ring curtain kaya hinawi ko pa 'to.

Kung saan dito tanaw na tanaw ang asul na karagatan, and it looks so peaceful. Inunlock ko yung bintana para makapasok kahit papano yung sariwang hangin dito. Nakapatay naman yung aircon kaya ayos lang na magbukas ng bintana.

I slowly closed my eyes and let myself take a deep relaxation. Gusto ko na munang magpahinga kasi these past few days ay masyado na akong nastress dito sa resort.

Saka sa totoo lang ay wala dapat ako ngayon dito kasi aattend sana ako sa party na siyang inorganize nung business partner ni Tiya, ang kaso sabi naman niya ay siya nalang yung pupunta at manatali nalang ako sa resort.

Buti nalang talaga.

Naeexcite na din ako kasi maya-maya lang pagkabigay ko sa secretary ko nitong mga papeles ay pwede na akong umuwi sa Manila, namimiss ko na din kasi si Xyline.

Hinayaan ko lang na nakabukas yung bintana bago nagtungong dispenser para kumuha ng tubig. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasalin ng tubig nang may biglang kumatok sa pinto nitong office ko.

"Come in!" sabi ko doon sabay inom sa tumbler ko habang hinihintay kung sino yung papasok.

"Ma'am?" si Angeline ang unang bumungad sakin, nagtaka nalang ako nang mapansin ko yung isang delivery boy sa kanyang likuran.

Lumapit yung secretary ko sakin.

"Yes, anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya saka nilapag yung hawak ko saking table.

"May dumating po kasing deliver from Madam Matisha," napadpad naman yung atensyon ko doon sa box na hawak hawak nung lalaki, may kalakihan 'yon at sa tingin ko'y damit ang nilalaman no'n.

"Ah, para saan daw 'yan---" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang tumunog yung phone ko na nakalapag sa gilid.

Agad kong nakita yung pangalan ni Tiya Matisha kaya sinagot ko naman 'yon. Sinenyasan ko naman sila na sandali lang kaya tumango naman si Angeline saka niyaya yung delivery boy palabas nitong opisina ko.

"Hello po Tiya?"

[ Lilaine! Thank you for answering this call, uhm...did you already get the dress? ] napaupo ulit ako sa swivel chair habang binabalot ng pagtataka yung isip ko.

"A-Ano pong dress?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

[ Yung pinadala ko diyan sa resort at yung dress na 'yon ang susuotin mo sa party. I'm sorry but I have an emergency meeting sa Taguig, I can't go to the gathering. Kaya mag-ayos kana diyan before 7PM, ipapasundo nalang kita kay Carlo papunta sa venue. ] nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon