CHAPTER 13 - WALL

1.2K 38 20
                                        

WARNING R-18 (Pero yung nagsulat ay 16.)

~~~

Lilaine's POV

Pumasok na ako sa sinasabi niyang bathroom, ramdam ko naman ang pagsunod niya sakin sa loob.

"Saan yung sinasabi mong sira?" tanong ko saka nilapag yung tool box sa may lababo nitong banyo niya.

Binuksan pa niya yung pinto nung shower saka tinuro ito habang nakatitig sakin.

"There, it's not working." napatango naman ako saka lumapit doon kaya nagbigay naman siya ng daan para sakin.

Sinubukan kong buksan yung shower pero tanging pagpatak lang ng tubig yung nangyari, sira nga.

Lumabas na ulit ako para kumuha nung gagamitin kong pang-ayos dito. No choice, kailangan kong gawin ito kasi iilan lang yung kasamahan ko na nakaduty ngayong gabi.

Tapos hindi pa sumasagot si Kuya Abner, malamang nakatulog 'yon o di kaya may ibang ginagawa.

Una ko munang ginawa ay kinalas yung shower mula sa pinagkabitan dito. Buti nalang at abot ko 'yon kahit papano.

Nakapatong lang tuloy ako sa bath tub habang ginagawa 'yon, huwag naman sana akong madulas.

"You're wearing a heels, baka madulas ka. Tanggalin mo muna 'yan," suhestiyon niya na agad ko namang sinunod, may point din naman siya.

Ginilid ko lang 'yon sa isang sulok kaya ngayon ay nakapaa nalang ako.

Si Zyler naman ay nakasandal lang sa may lababo habang nakakrus pa ang kanyang mga braso.

"I'm sorry if I disturbed your working hours, hindi ko naman alam na wala pala yung gagawa." wika pa niya habang ako ay abala dito sa pagkalas nung shower.

"Ayos lang, alam ko naman ayusin 'to. Saka mukhang kailangan mo na talagang maligo eh," hindi ko alam kung ano yung dating nung sinabi ko sa kanya.

Muli kaming binalot ng katahimikan kaya pagkatanggal ko nung shower ay lumapit na ako sa may sink para doon ko ilapag itong aayusin kong problema.

Isa isa kong kinalas yung parte nitong shower at kinakailangan ko pang gumamit ng isang monkey wrench kasi masyadong mahigpit yung pagkakaikot nung lock nito.

Pagkatanggal ko nun ay bumungad sakin ang puro kalawang, kaya siguro hindi na din makadaan ng ayos yung tubig.

Sa gripo naman kasi meron.

Nilinis ko muna 'yon gamit ang isang brush. Siguro ay kailangan ko na ding irequest kay Tiya na palitan na ang ilang shower dito, kasi ganito na yung kalagayan nila.

Sinuri ko pa yung ilang parte nito at pansin kong nagkanda-ipit ipit na pala yung goma nito sa loob.

Binalik ko lang yun sa tamang pwesto niya.

"Expert in fixing a shower, huh." napatingin naman ako ngayon kay Zyler na tahimik lang akong pinapanood sa gilid.

"Hindi naman, sadyang sanay lang ako sa mga ganito," di na ulit siya nakapagsalita kaya minadali ko ng tapusin ito.

Baka kasi kapag tumagal pa ay madaling araw na siya makaligo at masisi pa ako dito.

Binalik ko na isa-isa yung kinalas ko ng makita kong ayos na siya kasama nung hose.

"Easy," bulong ko pa saka lumapit ulit doon sa may bath tub para maikabit ko na itong inayos ko.

"Do you need help?" tanong niya.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon