WARNING | R-18
Yie, favorite chapter nila HAHAHA! Charot. Enjoy reading! <( ̄︶ ̄)↗ Medyo hinabaan ko na din yung update ko para walang mabitin, hakhak.
Balik online class na din kasi ako bukas. T^T Iyak muna tayo guys.
***
Lilaine's POV
I wasn't in myself while playing the ballpen in my hands, yung isip ko din ngayon ay lumulutang sa kalawakan. Dapat binabasa ko na ngayon yung monthly report, pero heto ako at tulala dito sa loob ng aking opisina.
Sadyang hindi lang ako makapaniwala sa nangyari noong nakaraang linggo, talaga bang hinayaan ko na makilala ni Xyline ang totoo niyang Daddy? Like, paano nangyari 'yon?! Jusqo, paano ako bumigay sa kumag na Zyler na 'yon!
Napasandal ako saking swivel chair bago pabagsak na nilapag yung kanina ko pang hawak na ballpen. Tinawagan ko nalang yung secretary ko at inutusan siyang kuhanan ako ng kape.
[ Okay po Ma'am, noted po. ] she said and after that, I ended the call immediately.
Humarap nalang ako sa may bintana habang nananatili akong nakaupo dito, mas nakakarelax pagmasdan yung tanawin dito sa resort kesa sa isipin kung ano yung mga ginawa kong katangahan sa buhay.
But I think, I've do the right thing already. Tama na din sigurong magkakilala silang dalawa habang bata pa si Xy, kasi kapag malaki na siya at doon niya nakilala ang totoo niyang Ama, ay layasan nalang niya ako bigla.
At ayoko namang mangyari 'yon.
A few moments had passed, narinig kong may kumatok na doon sa may pintuan ko, siguro dumating na yung kapeng pinapakuha ko.
"Come in!" sabi ko nang hindi binabalik sa dating posisyon itong swivel chair ko.
"Pakilapag nalang sa table yung kape ko, Angeline. Thank you." dagdag ko pa habang nakapikit, ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi niya ako sinagot.
Eh dati rati naman ay dumadaldal pa siya sakin bago siya lumabas nitong opisina ko. Umikot na ako para masiguradong siya nga yung dumating, ngunit subalit datapwat ay nalaglag nalang yung panga ko nang makita ko si Xy na nakapangalumbaba ngayon sa desk ko.
Napabalikwas naman ako ng tayo dahil sa gulat.
"Xy! Oh my god---paano ka nakarating dito, hah?" nilapitan ko na siya para sipatin ang kalagayan niya, wala namang bahid ng kung ano ang kanyang itsura.
Nakasuot pa siya ng damit na hindi naman pamilyar sakin, halos lahat kasi ng sinusuot niya ay kilala ko, pero ngayon iba.
"Daddy bring me here po," nakangusong sagot niya, at ang ipinagtaka ko ay kung bakit wala sa mood itong anak ko ngayon.
"Where's your Daddy? Hapon na tapos dinala kapa niya dito sa Tagaytay?! Ugh, nakakaistress talaga 'yang Ama mo." binuhat ko nalang siya para iupo siya doon sa sofa na nandito sa office ko, gusot padin ang kanyang mukha nang madala ko na siya sa upuan.
"Nasa labas pa po si Daddy, he tell to me that he needs to call someone, that's why I am here right away." napapikit naman ako saka nagpakawala ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
Roman d'amourSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
