CHAPTER 10 - TOGETHER

1.2K 38 2
                                        

Lilaine's POV

"Good evening po Sir/Mam. What can I do for you?" pambungad kong sagot doon sa telepono, paniguradong isa na naman itong guests dito sa Hotel na may gustong icomplain o kung ano pa.

[ Good evening too Miss. Can someone give me a duplicate key here in room 205? I just forgot my keys inside this room, ] boses ng isang babaeng ang narinig ko.

"Sure Mam, coming po. Just wait for 5 minutes." sagot ko naman saka hinintay ang susunod pa niyang sasabihin.

"Okay thanks, i'll just wait here." sabay baba nung tawag kaya agad ko namang tinawagan yung room attendant dito na nakaduty ngayon na si Ate Grace.

"Ate, pasuyo naman po ng duplicate key sa room 205." ani ko ng makarating siya dito sa may front desk.

"Sige po, Ma'am." nginitian ko nalang siya ng tipid at pinanood ang likod niyang papalayo sa kinaroroonan ko.

Napabuga nalang ako ng hangin saka muling umupo dito sa mataas na stool na nakalaan sakin.

Halos mag-iilang linggo na din kasi mula nang makapagsimula ako dito sa Hotel ni Tiya Matisha bilang night auditor.

At palaging pang-gabi ako since yun naman talaga ang shift na dapat para sakin.

Noong una ay medyo naninibago pa ako dahil nagsasanay palang ako sa mga bagong bagay na dapat kong matutunan.

Tulad nalang ng pag-aaudit ng financial transactions sa buong araw at pag-aassist nung mga guests every night na may mga kailangan parang yung babaeng tumawag kanina.

Kadalasan ay sakin din nakatoka yung wake up call schedulle nung iba pang workers dito sa Hotel.

At ang magandang balita, sa loob ng pagtatrabaho ko dito sa lumipas na ilang linggo ay nakasahod na din ako kay Tiya. Tumaas lang ng dalawang libo kumpara doon sa unang sahod na inoffer niya sakin bilang waitress.

Kaya hindi na ako nagsayang ng oras at pinadalhan na si Mama sa probinsya para tuluyan na siyang makabayad sa utang namin kay Aling Julia.

Mas lalo ko ding pinagbubutihan yung trabaho ko dito dahil sobra-sobra na yung tulong na binibigay samin ni Tiya Matisha. Siguro kung wala siya ay talagang pupulutin kami sa kangkungan.

Tumayo muna ako saglit para kumuha ng kape doon sa coffee machine na available mismo dito sa loob ng Hotel, limang piso lang naman yung ihuhulog.

Habang hinihintay kong mapuno yung baso ay bigla akong napalingon ng maramdaman kong may tao sa likuran ko, si Manager lang pala.

"Ah, magandang gabi manager." kalmadong bati ko pa saka dali-daling kinuha yung kape ko, baka kasi naghihintay din siyang matapos ako dito.

"Good evening too," halatang inaantok na siya sa tono ng kanyang pananalita.

Medyo nakampante na din ako sa presensya ni Sir Lathan lalo't napatunayan ko na matino talaga siyang tao at hindi siya tulad ni Zyler na unang nakilala ko.

Bakit pa kasi sa lahat ng pwede niyang maging kamukha ay yung taong may ganun pang ugali? Hay nako!

Buti nalang at kahit papaano ay nakakasundo ko na siya ng walang iniisip na masama. Masyado lang siguro akong natrauma.

"Hmm, by the way...how's your day, Lilaine?" tanong pa niya ng tuluyan nang maihulog yung pera doon sa machine.

Tumayo na siya ng ayos kaya ngayon ay nakatingala na ako sa kanya.

"U-Uhm...ayos naman Sir, as usual." kaswal kong sagot saka tumawa ng mahina.

Parang kakaiba lang kasi ngayon yung athmosphere sa pagitan naming dalawa.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon