Lilaine's POV
"Ate, gising na po. Nasa Cubao station na tayo." napaayos ako ng upo ng marinig ko yung sinabi nung konduktor.
Medyo nanlalabo pa yung mata ko dahil kagagaling ko lang sa mahabang tulog. Hindi ko na din namalayan na nakahinto na pala yung bus at isa-isa ng nagbabaan yung pasahero.
"A-Ah, pasensya na po. Salamat Kuya." kinuha ko na yung packbag ko na nasa taas at isa pang malaki na puno ng damit ko na nasa ilalim ng upuan.
Medyo hirap pa ako bitbitin 'yon pababa ng bus dahil mabigat nga at payat lang ang pangangatawan ko.
Pagbaba ko ng bus ay sumalubong sakin ang sama-samang ingay ng sasakyan, kasama nung tren na kakadaan lang sa taas.
Nanibago pa ako sa ingay kaya nagtungo muna ako sa gilid para matawagan ko na si Tiya na nandito na ako sa station ng bus.
Hingal ko pang binaba yung bitbit kong bag sa isang tabi. Nagpalinga-linga pa ako bago hinalungkat yung de-keypad kong cellphone sa bag.
Dinial ko na yung number ni Tiya at nakailang ring pa 'yon bago niya sinagot.
"U-Uh, hello? Tiya? Nandito na po ako---"
[ Nandyan na sila, Hija. ] medyo naguluhan pa ako sa sinagot niya.
"Tiya? Ako po ba kausap niyo? Si L-Lilaine po ito---"
[ I know pamangkin ko, what I mean is nandyan na ang susundo sayo. ] lalong napakunot ang noo ko sa sinabi ni Tiya.
"Eh? Hindi ko po sila kilala, saka---"
"Ms.Lilaine?" halos mabitawan ko pa yung hawak kong cellphone dahil sa gulat.
Nabalik ko yung atensyon ko sa tawag at naputol na ito. Ito na ba yung sinasabi ni Tita na susundo sakin? Bakit naman parang napakapormal nila?
"A-Ah, ako nga po. Kayo na po ba yung---"
"Tara na po." tuluyan na akong natulala at hindi nakapagsalita dahil sa kanilang inasta.
Dalawa silang matangkad na lalaki at kapwa matitipuno ang kanilang pangangatawan, na para bang 'pag binangga mo sila ay tatalsik kana lang ng kusa.
Grabe 'yon.
Para tuloy akong tuta na sumunod sa kanila, pinagtitinginan pa tuloy ako ng mga tao ngayon dahil may ganung klase ng tao na may bitbit ng gamit ko, gayong isa lang akong probinsyana.
Nakaparada yung sasakyan sa may gilid ng terminal, at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong black SUV. Hindi naman kasi ako ganun kaignorante pagdating sa mga bagay-bagay.
Napahinto pa ako ng buksan nila yung pinto ng sasakyan at para bang may hinihintay silang pumasok doon.
"Uhm...sino pa po yung hinihintay natin?" tanong ko naman.
Nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Wala na Miss. Ikaw yung hinihintay naming pumasok dito." napaawang nalang ang labi ko saka nahihiyang nagpeace sign sa kanila.
"Hehe, pasensya na po. Akala ko kasi may iba pang sasakay." sumakay na ako sa may parteng likod ng sasakyan, nilagay na din nung isang Kuya sa tabi ko ang mga dala kong gamit.
Pagtapos nun ay nakasakay na din sila sa harapan.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay makakarating na ako sa pagtatatrabahuhan kong lugar. Sana makaya ko ang bagong buhay ko dito sa Maynila.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
