CHAPTER 4 - TEQUILLA

1.5K 55 7
                                        

Lilaine's POV

"Ano nga po ulit yung full name niyo Ate?" tanong sakin ni Patricia habang hawak ang isang notebook at ballpen.

"Kazana Lilaine Panganiban." sagot ko naman at hinintay ang susunod pa niyang sasabihin.

"So, ano po gusto niyong ilagay sa name tag niyo?" napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Tulad ba niyan?" sabay turo sa isang maliit na name plate na nakadikit sa damit niya.

"Opo," magiliw niyang sagot kaya sandali naman akong napapili saking pangalan.

"Siguro...pwede nang Kali." gulat naman siyang napatingin sakin.

"K-Kali po?"

"Oo, K-A-L-I." talagang inispelling ko pa mismo sa harapan niya sabay tawa ng mahina.

"Parang panglalake naman Ate eh!" ungot pa niya na hindi ko naman sinang-ayunan.

"Ayos na 'yon, pinagsamang initials din naman ng pangalan ko ang Kali." sa huli wala din siyang nagawa kundi 'yon ang ilagay sa name plate ko.

Hapon na kasi at kani-kanina lang natapos ang pagtotour sakin ni Patricia dito sa bar ni Tiya. Sinabi niya din sakin lahat ng uri ng alak dito sa ilang oras lamang.

Madali naman kasi akong makatanda ng mga bagay-bagay at aminado akong madali din akong turuan. Hindi naman sa pagmamayabang, sadyang nagsasabi lang ako ng totoo.

"Sige, ipapagawa ko lang yung name plate mo kay Kuya Marlon. Dito kalang ah? Kukunin ko na din kasi sa stock room yung uniform mo." sabi niya sabay alis sa stool na kanyang kinauupuan.

"Sige, salamat." tinanguan niya naman ako bago siya tuluyang naglaho sa paningin ko.

Napabuntong hininga naman ako saka sandaling pinagmasdan ang mga tao na patuloy na dumaraan dito sa tapat ng restaurant ni Tiya.

Kaunting oras nalang at magiging bar na ito. Kaya pansin ko din na padami ng padami yung customers na pumapasok dito. At karamihan sa nakikita ko ay mga ibang lahi, totoo nga yung sinabi sakin ni Tiya kanina.

Sakto talaga at nag-aral ako ng mabuti para kahit papaano ay may alam ako sa pagsasalita ng Ingles. Nakakahiya naman kasi kung purong tagalog lang ang alam ko.

Lumipas pa ang ilang sandali ay biglang may umupong isang Amerikano sa stool na nasa harap nitong bar island. Kaya yung mesa ang ang tanging nasa pagitan naming dalawa.

"One shot of tequilla, please?" base sa kanyang itsura ay mukha siyang miserable sa mga oras na ito.

Kaya kahit hindi pa ako nakapaghanda para saking trabaho ay napilitan akong bigyan siya nung alak na tinutukoy niya.

Kabado ko pang nilapag yung isang shot glass na naglalaman ng gusto niyang inumin.

Sana naman hindi maging ganito yung buhay ko sa paglipas ng taon.

"One more," napakurap pa ako ng ilang beses sa sinabi niya.

"P-Pardon, Sir?" dahan-dahan namang nanlaki ang mata ko ng tumingin na siya sakin, bahagya pang namumula ang mata niya at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

Mukhang iniwan yata siya ng kanyang girlfriend o kung ano man.

Hindi ko din masyadong maaninag ng buo yung mukha niya dahil nag-iba na yung ilaw dito sa ibaba at nagsimula na ding magpatugtog ng mahina hanggang sa malakas na musika.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon