CHAPTER 18 - HOSPITAL

1.1K 28 2
                                        

Lilaine's POV

"Kumusta naman yung day off mo sa Taguig, Kaz?" tanong sakin ni Bianca habang nandito kami sa isang fast food chain na malapit lang naman sa Hotel.

24 hours naman itong bukas kaya dito nalang kami kumain ng break time at alas-diez na ng gabi.

Balot na balot pa ako ng jacket tapos nakasuot pa ako ng bonet dahil sobrang lamig na ngayon.

Kaya yung inorder ko tuloy na pagkain ay isang beef mami, gusto ko kasing mainitan kahit papano yung sikmura ko. Buti nalang at meron silang ganitong pagkain sa menu.

"Ayos naman, nakapagpahinga ako ng maayos." tipid kong sagot sabay higop ng sabaw.

"Talaga?" mapanuksong tanong niya kaya nagpatay malisya nalang ako sa mapanuri niyang mata na nakatitig sakin.

Hindi naman ako makatingin ng ayos, tinuon ko nalang tuloy yung atensyon ko sa labas kung saan may mga taong dumaraan kasama ng iilang sasakyan.

"O-Oo naman, ano ba yung iniisip mo diyan?" nagawa pa talaga manginig ng boses ko sa kanya, tsk, pahamak talaga yung sarili mo Lilaine.

"Nakapagpahinga kaba talaga? Kasi tignan mo oh," nagulat naman ako ng ituro niya yung parteng leeg ko habang ngumunguya pa, binalot naman ako ng pagtataka.

"Bakit? Ano meron dito?"

"P-Parang...wait," talagang hinila pa niya ako palapit sa kanya para mahaplos niya ito at masuri, ano ba yung nakita niya?

Halos mabulunan naman siya ng maubo ito at dali-daling kinuha yung isang basong tubig na nakalapag sa gilid niya.

Nanlalaki pa ang kanyang mata habang nakatingin sakin.

"M-May...marka sa leeg mo." napakunot ang noo ko dahil wala talaga akong ideya sa kung anong pinagsasabi niya.

"Hah? Anong marka? Kailan pa nag-aral yung leeg ko para magka-marka siya?" pagkatapos kong sabihin 'yon ay binatukan niya naman ako bigla.

"Gaga! May kiss mark ka, ikaw hah? Sino may gawa niyan?" tinaas baba pa niya ang kanyang kilay sabay ngiting aso sakin.

Nalaglag naman yung panga ko saka dali-daling dinukot yung cellphone ko na nasa bulsa para makita ko sa camera nito yung tinutukoy ni Bianca na marka.

Napatakip nalang ako saking bibig nang makita ko ang ilang marka na parang kinagat o mukhang pasa, langhiya!

Naibagsak ko nang wala sa oras yung hawak kong cellphone saka nagyukom ng kamao, bwisit kang Zyler ka!

"O-Oh, bakit naman biglang nalukot yung mukha mo?" nagawa pa talaga niya akong tawanan.

"Paano matanggal 'to?!" inis kong tanong saka naluluhang tinignan siya.

Baka mamaya kasi may mga nakakita ng ibang tao dito! Nakakahiya 'yon, huhu! Ang dami ko pa naman ng naencounter na guests kanina, ano nalang iisipin nila sakin?

Hindi ko kasi agad ito napansin, at wala talaga akong ideya na mag-iiwan ng marka yung ginawa sakin ni Zyler noong Sabado!

Tawa lang ng tawa si Bianca kulang nalang ay mahulog siya sa kanyang kinauupuan.

"Pahalik mo ulit sa kanya, baka sakaling mawala." lalo akong nainis sa sinagot niya sakin.

Lagot ka sakin, Zyler!

***

"Thank you po for availing Matisha's Hotel Ma'am, Sir. Have a nice day and come again." sabi ko pa doon sa customers na nagbalik ng susi dito sa front desk.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon