Lilaine's POV
"Babe, what do you want?" gusto ko na talagang ingudngod sa pader itong kasama ko ngayon, kanina pa siya nakahawak sa bewang ko at para bang wala siyang balak bitawan ako.
"A-Anong babe?! Hindi pa tayo---"
"Miss, table for two." pinilit kong humiwalay pero hawak niya talaga ako ng mahigpit, pinagtitripan ata ako nito ah!
"Sure Sir, this way po." napanguso naman ako nang mapansin ko yung tingin nung babae kay Zyler na ang lagkit-lagkit.
Ayaw pa niyang putulin ang kanyang tingin hanggang sa maihatid niya kami saming uupuan. Nanlaki nalang yung mata ko ng irapan niya ako.
"A-Aba hoy---" hindi na ako nakapagsalita ng pwersahan akong paupuin ni Zyler sa isang upuan.
"Hindi ko alam na warfreak ka pala, babe." mapanuksong sabi niya bago ako tinabihan dito.
"Hoy! Hindi ako palaaway, sadyang naiinis lang ako kasi tinititigan kapa niya na para bang may iniisip siyang kung ano! Tapos inirapan pa niya ako, tapos---" natigil ako sa pagsasalita ng tumawa na siya na para bang walang bukas.
Pero bakit ang unfair?! Ang gwapo padin niya tignan. Kaya heto at aaagaw na naman tuloy niya yung atensyon ng ibang kumakain dito.
"I have no idea na mas possesive ka pala sakin, babe. You even noticed that, huh?" nakangising sabi niya ng mahimasmasan na siya.
"Tse! Ang dami mong alam, saka ano bang gagawin natin dito?" medyo pinakalma ko na ang aking pananalita.
"Magkakainan," parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha matapos kong marinig yung sinagot niya sakin.
"A-Ang bastos mo!" muli na naman siyang tumawa bago tinawag yung waiter.
"Hey Kuya, I just want to ask you one thing." tinapunan pa niya ako bago muling binalik ang kanyang atensyon doon sa may waiter.
"Sige lang Sir!" bibong tugon nito at halatang interesado siya sa itatanong ni Zyler sa kanya.
Ako naman itong hindi pinansin ang kanilang pag-uusapan.
"When someone asked you na, ano bang gagawin natin dito? What's your answer?" pati ako ay nagkaroon ng interes sa tanong niya, pakiramdam ko kasi ay may connect ito sa sinabi ko kanina sa kanya.
"Depende po kung nasaan kayo." magalang naman nitong sagot.
"Eh what if you're here at restaurant? What was the exact answer for it?" napakamot nalang ako saking ilong dahil walang kwenta itong pinagsasasabi niya kay Kuya.
"Kuya, nagsasayang kalang po ng oras diyan, baliw 'yan. Huwag mo siyang kausapin," singit ko doon sa kanilang usapan.
"What?! I am not crazy babe, I was just asking him." tinuro pa talaga niya yung waiter.
"Oo, tinatanong mo nga siya pero wala namang kwenta 'yan. Kaya Kuya, please po, don't entertain him hah?" ramdam ko naman yung inis sa presensya ni Zyler, kaya pilit tuloy akong nagpigil ng tawa.
"Ah eh? Ganun ho ba Ma'am---"
"No! Don't believe her, answer me or else I will call your manager at sabihin kong tanggalin ka sayong trabaho." banta pa nito na ikinagulat ko.
Pansin ko naman ang pagkawala ng dugo sa mukha ni Kuya, napailing nalang ako ng tuluyan siya nitong sagutin.
"M-M-Mag...k-k-kakai...n-nan." nalaglag naman yung panga ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
