Lilaine's POV
"Anong gusto mong kainin?" tanong sakin ni Lathan habang nandito kami sa tapat ng mga pagkain.
Hawak niya sa isa niyang kamay ang dalawang platong magkapatong habang yung isa ay nasa bewang ko.
Hindi ko naman kasi siya maaaring pigilan sa kung anong gusto niyang gawin sakin, ayoko lang na ma-offend siya.
"Kahit ano nalang," ngumiti naman ako kaya sandali niya akong tinitigan.
"Okay, wait, ako na kukuha ng sayo." binitawan na niya ako para malaya siyang makadampot ng aming kakainin.
Kaya ako naman 'tong si nagpalinga-linga sa paligid para pagmasdan ang mga ginagawa nung tao dito sa party.
Yung iba ay abala sa kanilang mga kausap, karamihan din dito ay kasing-edad na ni Tiya pero may nakikita padin naman akong tulad namin na bago lang sa trabaho.
"Here, take your plate---" halos mabitawan ko pa yung platong iniaabot sakin ni Lathan nang may marinig akong malakas na boses na tumawag sa pangalan ko.
"Lilaaiinnee!" agad binawi ni Lathan ang plato dahil baka mabasag ito sa ginawang pagyakap sakin ni Patricia, nakita ko din si Adrian na nakasunod sa kanya at pasimple akong kinindatan.
Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya saka niyakap pabalik itong babaeng parang trumpeta ang boses.
"I miss you naaa!" inalog-alog pa talaga niya ako sa kanyang bisig.
Humiwalay naman siya at agad sinuri ang pagmumukha ko. Pababa sa suot kong damit kaya pinaikot pa niya ako saglit, ano bang trip ni Patricia?!
Diyos ko, kaawaan niyo po ang kaibigan ko.
"Ang sexy mo Lilaine! HAHAHA!" puri pa niya sabay palakpak na parang sea lion sa ocean park.
Pinigilan ko na siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang pulsuhan at agad hinarap si Adrian na ngayon ay ngingisi-ngisi.
Napawi lang 'yon ng mapansin niyang masama na ang timpla ko sa kanya.
"Anong pinakain mo dito, Adrian? Bakit parang nabaliw 'to ng tuluyan?" sandali pa siyang nanahimik bago ako tinawanan, anong nangyayari sa dalawang 'to?
"Namiss kalang niyan kaya ganyan 'yan, halos bukambibig ka nga lang niya nung nasa Baguio ka." nakangiting sagot ni Adrian sabay kuha ng inumin doon sa waiter.
"Ay weh? Totoo ba?" tanong ko kaya ramdam ko naman ang pagkurot niya sa likuran ko, napahiyaw pa ako sa sakit.
"Ikaw, ano ding nangyari sayo at bigla kana lang naging ganyan? May sikreto kaba? Share mo naman oh," sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Lathan.
Nandyan pa pala siya.
"Uh, excuse me?" natatawang sabi niya saka ako tinabihan hawak-hawak ang dalawang plato sa magkabilang kamay niya.
"Oh...my...god! Hindi naman ako nainform na may gwapo palang waiter dito," pansin ko naman na sinamaan siya ng tingin ni Adrian matapos sabihin ni Patricia 'yon.
"W-Wait, I'm not a waiter here." sumilay naman ang ngiti sa labi ni Lathan.
"Hah? Eh ano ka?"
Tao siya Pat, tao siya.
"I'm her suitor," diretsahang sagot niya na ikinalaki ng mata nung dalawa.
"A-Ano daw?" binatukan naman ni Adrian ang loka, akala ko naman naintindihan niya.
Bahagya pang natawa si Lathan sa inasta nila sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
