A/N:
Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag-update, nasanay po kasi kayo na everynight meron akong new chapter na sinusulat.•́ ‿ ,•̀ Masyadong madami lang ginawa sa bahay this past days kaya eto lang nakayanan ng utak ko ngayon hehe. Sana po magustuhan niyo.
Enjoy reading! ( ◜‿◝ )♡
~~~
Lilaine's POV
"Ano?! Dalawang linggo nang nawawala yung anak ko, tapos sasabihin niyo saken maghintay lang sa update niyo?!" mangiyak-ngiyak kong sigaw sa mga pulis na nakaharap sakin ngayon, pero mas nangingibabaw saking dibdib ang galit para sa kanila sa mga oras na 'to.
"Tang ina, ganyan na ba kabulok ang sistema niyo?!" pasensya na sila pero masakit talaga akong magsalita lalo na kung puro sakit lang din ang nararamdaman ko.
Puta, ilang beses na akong pabalik-balik sa presinto, ilang beses na din silang nagpupunta sa bahay para iupdate ako tungkol kay Xyline pero lintek na pulis! Natunaw nalang yung yelo sa north pole hindi padin nila ako nabibigyan ng impormasyon!
Hindi ko naman sa nilalahat pero walang kwenta itong ginagawa nila para sa anak ko.
"Lilaine," hinawakan ako ni Lathan sa kamay at tinitigan ako gamit ang malambot niyang ekspresyon, he's trying to calm my emotions using that look from him.
"We're sorry to hear that from you Miss Panganiban, pero ginagawa talaga namin ang lahat para---" naputol yung sasabihin ni Chief Lorenzo nang may biglaang tumawag sa kanyang cellphone.
Napapikit ako at napahaplos saking batok, mukhang makukunan yata ako dahil sa kanila. Tumalikod nalang ako at hinayaan si Lathan na makipag-usap doon sa mga pulis.
Yes, my daughter was important to me. I really loved her since I've carried her to my tummy for almost 9 months, but I can't let myself to be stressful that much. Kailangan ko ding pagtuunan ng pansin yung anak ko na dinadala ko ngayon.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalampas ng main door nang marinig ko yung sinagot ni Chief sa kausap niya.
"Ano? Nahanap niyo na yung bahay ng suspek natin?" wala ako sa sariling napalingon at sa hindi malamang dahilan ay binalot ng kaba yung dibdib ko.
Nakatutok lang yung atensyon ko sa kanya, umaasang ito na ang araw para muli kong makasama si Xyline. Akala ko ba wala pa silang hint about the suspect?! Bakit ngayon, ganyan yung sinasabi nila?!
What the fuck! Are they hiding the real investigations to me?!
"Okay sige sige, papunta na kami diyan. Basta huwag lang kayo magpapahalata," after that he ended the call at sineyasan yung ilang tauhan na kasama niya na sumakay na sa kanilang mobile
"Ano yung sinabi, Sir? Do you already have clue about her daughter?" kinakabahang tanong ni Lathan sa kanila.
I gulped when the police suddenly nodded at me.
"Yes Sir, pero hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos ng kilos, dahil baka may mga nakabantay sa labas nung bahay ng suspek. Mahirap na." nagkatinginan naman kami ni Lathan sa kanyang sinabi.
"Sasama ako," we said in unison.
"Sasama ako, Lathan. I need to get my daughter now," pagpupumilit ko pa at akmang magtutungo ng gate nang pigilan na niya ako.
"No, you'll stay here. Kailangan mong isipin yung baby, Lilaine. Paano kung mapahamak ka pa doon?" kalmadong tanong niya ng may halong pagka-awtoridad.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
Roman d'amourSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
