CHAPTER 14 - FLOWERS

1.1K 38 4
                                    

Lilaine's POV

"Kaz, hinanap ka kanina ni Sir sakin. Duty hours mo daw, bakit wala ka dito?" sabi pa ni Bianca na kasama ko dito sa baba tuwing gabi.

Hindi naman ako agad nakasagot at nakatulala lang sa may entrance nitong Hotel. Di padin kasi nawawala sa pakiramdam ko yung nangyari kanina sa pagitan namin ni Zyler.

Ako ba talaga yung babae kanina?

Bakit? Paano nangyari 'yon?!

"Uy! Mukhang nakakita ka ng multo ah, ayos kalang ba Kaz?" agad ko naman siyang nilingon.

"A-Ah, pasensya na. Ano nga ulit 'yon?" bakas naman sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Hinahanap ka nga ni Sir sakin kanina, buti nalang at nalusutan ko yung tanong niya. Hindi ko din kasi alam kung saan ka nagpunta, saan ka nga ba kasi galing?" tanong pa niya sakin.

Kanina kasi bago ako umakyat sa taas para ayusin yung sirang shower ng lalaking 'yon ay nagpaalam siya na pupunta lang siyang banyo.

Kaya hindi na din niya ako naabutan dito.

"U-Uh, u-umakyat lang ako saglit sa kwarto ko. M-May ano kasi...may nakalimutan lang ako kunin, oo, tama, ayon." tatango tango pa ako habang nagsasalita.

Sana naman maniwala siya, hindi kasi ako sanay magpalusot at ito lang ang unang beses na nagawa ko ang ganitong bagay.

"Eh bakit natagalan ka sa pagbalik?" sumunod pa niyang tanong sabay higop sa kanyang kape, madaling araw na din kasi at maya-maya pa ay matatapos na ang duty naming dalawa.

"Tumapon pa kasi yung tira kong pagkain sa damit ko, kaya eto nagpalit pa ako ng damit bago bumaba ulit." inayos ko na yung pananalita ko dahil baka mahalata niya na nagsisinungaling ako.

"Ah ganun ba, hehe. Sorry ang dami kong tanong, natakot kasi ako kay Sir na kakabalik lang dito sa Hotel. Buti nalang talaga nakalusot ako," napahimas pa siya sa kanyang sintido sabay tawa.

"Pasensya na din saka salamat sa ginawa mo." wala sa sariling sabi ko sa kanya.

"Naku wala 'yon, ako pa ba. Magkaibigan kaya tayong dalawa!" tinaas pa niya ng salitang ang magkabilang kilay niya sakin.

Natawa nalang ako saka muling tumahimik at binalikan ang eksena kanina.

Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon sakin. May pasampal pa ako nung una sa kanya tapos bibigay lang din pala ako sa huli.

Napapikit nalang ako ng mariin saka naihilamos ang palad ko saking mukha.

***

Nagising ang natutulog kong diwa mula sa isang katok na nagmumula saking pintuan.

Napasulyap pa ako sa orasan na nakadikit sa pader at alas-nuebe na ng umaga, halos apat na oras palang tulog ko ah.

Bumangon ako habang kinukusot pa ang kabilang mata ko.

Binuksan ko na yung pinto para makita kung sino yung kumakatok. Agad naman akong napatayo ng ayos nang makita ko si Sir Lathan na may hawak pang bulaklak.

"Sir! M-Magandang gabi po...este umaga pala." nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Hindi ko pa kasi siya nakakausap tungkol doon sa biglaang pagkawala ko saking trabaho kagabi. Mukhang mapapagalitan ata ako ngayon, jusqo!

Napaawang nalang ang labi ko ng iabot niya yung hawak niyang bulaklak sakin.

Tinuro ko pa yung sarili ko dahil baka mamaya ay mali lang siya ng inaabutan.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon