CHAPTER 39 - COCONUT

846 24 0
                                        

Lilaine's POV

"S-Sandali Lathan," pinigilan ko siya sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang pulsuhan.

Kakababa lang kasi namin ni Lathan sa bus, siguro mga ilang minuto na ang lumipas at nandito kami ngayon sa gilid ng kalsada para humanap ng tricycle na maghahatid na samin sa bahay.

"Bakit? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong niya saka pinasadahan niya ng kanyang kamay yung buhok niyang hinahangin, mga tanghali na din kasi kami nakarating dito sa probinsya.

Kaya talagang mainit at masakit sa balat yung sinag ng araw.

"W-Wala naman pero...may naisip lang---"

"Wait, bago mo ituloy 'yan sumilong muna tayo, it's too hot here." siya na yung humawak sa kamay ko at hinila ako patungong waiting shed na ilang metro lang ang layo mula sa kinatatayuan namin kanina.

Binaba niya muna yung dala naming bag, mabuti na nga lang at nakakayanan niyang bitbitin ng mag-isa yung mga gamit namin, nais ko man siyang tulungan pero pinagbabawalan niya talaga ako.

"Oh, inumin mo muna 'to." binuksan niya yung binili naming tubig na hindi naman nabawasan sa gitna ng aming biyahe, kaya may nagamit kami ngayon.

Pagkatapos kong uminom ay pinunasan niya yung labi ko gamit ang isang tissue, hindi na ako nanibago dahil sinanay na niya ako sa ganitong gawain niya.

"Now speak, Mommy." binalik niya muna lahat ng hawak niya sa bag bago pinagtuunan ng pansin yung sasabihin ko.

Sandali pa ako natulala bago tuluyang sinabi ang gusto kong malaman niya.

"Sa totoo lang...h-hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag kay Mama ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong ganito," mahinang sabi ko kaya bahagya naman siyang natigilan.

"N-Natatakot ako na baka itakwil nalang ako ni Mama bigla, at yun ang ayaw kong mangyari Lathan." dagdag ko pa kaya napabuntong hininga naman siya.

"Are you still worrying about what will gonna be your answer if your Mother ask you who is the father of that baby?" kaswal niyang tanong.

Nagbaba ako ng tingin saka marahang tumango. Kusa nalang ding napahaplos yung kamay ko saking tiyan.

"I have an idea, but...I don't know kung magugustuhan mo 'yon." muli akong napatingin sa kanya, pinakitang interesado ako sa sinasabi niyang ideya.

"Ano naman 'yon?" tanong ko saka hinintay ang susunod niyang sasabihin.

Binasa pa niya ang kanyang labi at malamlam yung mga mata niya nang tumitig sakin.

"Aakuin ko ang bata, Lilaine." natulala naman ako sa sinabi niya at pilit inintindi kung ano ang nais niyang iparating sakin.

"A-Ano? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ko pang tanong saka umayos ng tindig, muli siyang napabuga ng hangin.

"I can be the father of that child, kailangan may tumayong Ama niyan---"

"Hindi. Ayoko Lathan, ayoko---"

"Look, pakinggan mo muna ako Lilaine." hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pilit na pinatitig sa mga mata niya.

"Ayokong lumaki ang anak ng kapatid ko ng walang kinikilalang Daddy. Besides, Zyler was my twin, so kapag lumaki siya, hindi siya maninibago sa itsura ng totoo niyang Ama." napailing ako saka wala sa sariling napahakbang paatras.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon