Lilaine's POV
"ANO?! BUNTIS KA?! PUTA, SINONG AMA?!" napatakip ako saking tenga dahil sa lakas nung boses ni Patricia.
Nandito kasi sila ni Adrian sa condo ko, at kung tutuusin ay kanina pa silang tanghali nandito pero ngayong gabi palang ako nagkaroon ng lakas para sabihin sa kanila na buntis nga ako.
Hindi ko naman kasi kayang itago sa kanila yung pagbubuntis ko, paano nalang kung mapansin nila na lumalaki yung tiyan ko diba? Alangan namang sabihin kong madami akong kinakain kaya ganun, aish.
Saka kaya ko din inamin sa kanila ang totoo ay dahil alam kong isa sila sa makakatulong sakin 'pag nagkataon.
"Oo, uhm, 7 weeks na." mahinang tugon ko sabay kutkot sa kuko ko, hindi ko din sila matitigan ng ayos.
"Lilaine, drink this milk---" hindi pa man natatapos ni Lathan ang kanyang sasabihin ay sumingit na si Patricia.
"Hoy! Ikaw ba yung Ama?! Hah! Bakit mo binuntis ang kaibigan ko?! Hindi mo pa siya asawa! Walang hiya ka!" napapikit naman ako sa pag-eeskandalo nitong baliw kong kaibigan.
Sinaway naman siya ni Adrian, halos duruin pa kasi niya si Lathan, mabuti nalang at hawak siya nito.
Kaya lang naman nandito si Lathan ay dahil sa day-off ko ngayon at nagpresinta din siya na aalagaan niya ako hanggang sa tuluyan na akong manganak. Gusto ko man siyang pigilan pero wala akong magawa kundi hayaan siya.
"What the hell are you talking about woman? We're not even a couple, tapos iisipin mo pa na magagawa ko siyang buntisin. If you want tanungin mo ang magaling kong kapati---ouch!" kinurot ko na siya sa tagiliran, masyadong pasmado ang bibig niya!
Sinamaan ko siya ng tingin kaya napanguso naman siya sabay abot nung isang basong may gatas.
Napakrus nalang yung mga braso niya saka umupo dito sa arm rest ng sofa na inuupuan ko, sa harap naman sila Patricia.
"Huwag mo akong ma-woman woman diyan! Ano bang alam ko kung ano yung intensyon mo kay Lilaine?!" angil pa nung babae kaya napahimas naman ako saking sintido, makukunan yata ako sa eksena nilang dalawa.
"Can you please lower your voice man? Baka mastress si Lilaine, makasasama 'yon sa kanya for your information." batid kong inaasar siya ni Lathan ngayon dahil sa tono ng kanyang pananalita.
"Tama na. Tumigil na kayong dalawa, naririndi na ako sa inyo." seryosong tugon ko sabay inom ng gatas.
Muli kaming binalot ng katahimikan sa lumipas na ilang segundo, hanggang sa muli na namang magsalita si Adrian.
"So, sino nga yung Ama niyang dinadala mo Lilaine kung hindi si Lathan?" tanong niya sakin pero wala akong balak sagutin.
"Pasensya na pero ayokong malaman niyo sa ngayon kung sino siya, ayaw ko na siyang maging bahagi ng buhay ko." hinaplos naman ako ni Lathan sa likod, sandali ko siyang tinapunan ng tingin at nginitian ng tipid.
"Okay...for now hindi ka muna namin pipilitin na sabihin kung sino pero basta, kasama kami sa binyag ni baby hah!" natawa nalang ako ng tipid kay Patricia.
"Kayo pa ba makakalimutan ko, ngayon palang una kana sa listahan ng mga Ninang." pabirong sagot ko na mas nakapagpagaan ng athmosphere sa paligid.
***
"Kuya, ito po sakin." sabi ko doon sa waiter sabay turo sa Suckling Pig na nasa menu nitong Mecha Uma na Japanese Restaurant dito sa Taguig.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomansaSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
