CHAPTER 6 - KISS

1.5K 44 0
                                    

Lilaine's POV

"Sir, gising na po kayo, kailangan namin malaman kung anong room number niyo." pagmamakaawa ni Kuya Carlo doon sa lalaking lasing na lasing at nakahiga sa may hallway.

Nakabukas lang yung main door nitong condo para kahit papano ay matanaw ko sila sa labas, at hindi padin ako nakakapagbihis.

Hindi kasi namin alam kung anong floor siya at kung anong room number niya kaya dito nalang namin siya dinala kasama nung mga guard sa baba kanina.

"Kuya, ipasok mo nalang kaya siya muna dito sa loob? Tapos hayaan ko nalang muna siya sa may sala magpahinga, kawawa naman po kasi kung iiwanan nalang natin siya diyan sa labas." suhestiyon ko pa.

"Eh paano 'yan Miss kung may gawin siyang masama sayo? Nag-iisa kalang diyan sa loob." naiintindihan ko naman yung pinupunto ni Kuya Carlo lalo't may trauma na ako sa nangyari kagabi.

"Hindi naman siguro siya masamang tao Kuya, saka tignan mo po oh? Wala talaga siyang pake kahit na nandyan na siya sa sahig," napatingin tuloy ulit si Kuya doon sa lalaki.

"S-Sige Miss Lilaine," alanganing sagot niya kaya napangiti naman ako saka tumulong ulit sa pagbuhat doon sa lalaki.

Naalala ko na parang siya yata yung unang taong umorder sakin kanina nung alak na sabi kong mukhang Amerikano, totoo naman.

Pabagsak namin siyang hiniga sa may sofa kaya doon na siya napagalaw ng bahagya. Gusot gusot na din yung suot niyang damit pati yung buhok niyang parang pinugaran ng ibon.

"Sige Kuya, salamat sa paghatid mo sakin pati sa kanya. Wag po kayong mag-alala, basta kapag nagising na siya alam ko namang aalis agad dito sa condo." kita ko naman ang pag-aalala sa mata ni Kuya Carlo.

"Bigay ko nalang po itong calling card ko sa inyo, para kung sakaling may mangyari, ay pwede niyo ako agad tawagan." sabay abot sakin nung maliit ng papel na kaagad ko namang tinanggap.

"Salamat ho dito."

"Oh siya, mauna na ako hah? Mag-ingat ka po Miss Lilaine, magpahinga na din po kayo." huling sabi niya saka naglakad na palabas nitong condo.

Sinara ko naman agad yung nilabasan niyang pinto dahil baka kapag may dumaan sa may tapat nito ay makita nila kung gaano kagulo itong loob ko.

Madami talagang tambak na paperbags at parang mas dumagdag pa kumpara sa iniwan ko kanina.

Hindi ko din kasi alam kung paano nakarating dito ang ilang karton ng sapatos at mga groceries, pero ang tanging alam ko lang ay si Tiya na naman ang may pakana nito.

Napapikit ako sabay hinga ng malalim.

Doon ko naramdaman ang puyat at sobrang pagod ng katawan ko.

Tama nga si Tiya at kailangan kong magpahinga muna ngayon kahit na kakasimula ko palang sa trabaho.

Kailangan ko na ding sanayin ang katawan ko sa ganitong uri ng pamumuhay dahil magmula ngayon ay wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko din mismo.

Ilang beses pa akong napahikab saka pumasok ng kwarto para maghanap ng isang kumot para doon sa lalaki, baka kasi lamigin siya bigla.

Buti nalang at may bakante dito.

Dahan-dahan ko nalang 'yon ipinatong sa katawan niya, saka sandaling pinagmasdan ang kanyang itsura.

Gwapo naman siya at talagang nagsusumigaw sa kanyang imahe ang lahing banyaga.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon