CHAPTER 27 - GONE

897 29 1
                                        

Lilaine's POV

"Shookt, you look stunning today, babe." bungad na puri sakin ni Zyler pagkababa ko mula saking condo unit.

Pinulupot pa niya saking bewang ang kanyang kamay saka ako hinalikan sa sintido.

Inaya niya kasi akong lumabas na naman kahit na kakagala lang namin noong nakaraang day off ko. Baka mamaya, magsawa siya agad kung palagi kaming ganito.

"Bola pa, Zyler." sinamaan ko siya ng tingin na nakapagpalaki sa kanyang mata.

"B-Bakit ganyan ka naman tumingin, babe? Are you mad---"

"Hindi! Kaya pwede ba umalis na tayo?" para naman siyang robot nang hinila niya ako patungong parking lot.

Ang init kasi ng ulo ko ngayong umaga dahil nga sa buwanang dalaw ko, pangalawang araw ko na ngayon. Kaya hindi ko talaga maiwasang magsungit kahit na di ko 'yon intensyong gawin.

Nanginginig pa yung kamay niya habang kinakabitan ako ng seatbelt. Agad naman siyang lumayo ng dumapo ang mata ko sa kanya.

"Natatakot na ako sayo, Lilaine. Ano bang nangyayari---"

"Aalis tayo o hindi?"

"Sabi ko nga, eto na, aalis na." nakanguso naman siya habang pinapaandar ang makina nitong kotse.

Nakatingin lang ako sa labas habang pinagmamasdan ang dinaraanan namin.

Lumipas ang ilang minuto ay nagstop ang sasakyan kasi nakared na yung stoplight, di ko padin tinitignan si Zyler.

Nanliit nalang yung mata ko nang maramdaman kong kinalabit niya ako saking hita gamit ang isa niyang daliri, dahan-dahan ko naman siyang nilingon.

"I love you." sabi niya at kita ko naman sa kanyang mata ang sinseridad sa binitawan niyang salita.

Hindi ako sumagot sa halip ay mas pinili kong titigan siya sa nagdaang segundo.

Pilit kinakabisado ang bawat sulok ng kanyang mukha. At base sa itsura niya ay hindi ko maiwasang maalala si Lathan dahil sa kalmadong ekspresyon niya ngayon.

Napapikit ako saka nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Sorry, may dalaw lang ako ngayon kaya ako ganito." sabi ko saka muling binalik ang atensyon ko sa labas.

Pagkaraan ng ilang segundo ay halos atakihin ako sa puso sa biglaang pagsigaw niya.

"What?! May dalaw ka?!" sinabi niya 'yon na para bang gulat na gulat at may kasamang panghihinayang.

"Oo nga! Kailangan ko pa ulitin? Oo, meron ako, meerroonn!" paglilinaw ko sabay pitik sa kanyang noo.

Magsasalita sana siya pero narinig na namin ang mga busina ng kotse na nasa likuran kaya bumalik na ulit ang loko sa pagmamaneho.

"Damn it! Saan kaya napunta yung sperm cells ko?" nagpigil naman ako ng tawa sa sinabi niya.

Halata pa talaga sa itsura na nag-iisip at nagtataka habang diretso ang mata niya sa daan.

"Ah, so parang sinasabi mo na nanghihinayang ka at walang nabuo sa ginawa natin?!" natatawang tanong ko pero hinaluan ko padin ng inis.

"Yes, babe! Like what the hell? Pinaghirapan ko din 'yong ilabas hah!" mayabang niyang sabi pa kaya tuluyan na akong tumawa.

Bwisit na 'to, ang lakas ng tama sa utak!

Asa naman siya agad na may mabubuo sakin, tss.

"Anyway, pagbubutihan ko na sa susunod. At sisiguraduhin kong magmimeet na sila ng egg cells mo." nakangising wika niya na ikinatayo ng balahibo ko.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon