CHAPTER 53 - CONSCIENCE

885 23 0
                                        

Lilaine's POV

"Hindi sapat itong gabing 'to para sabihin mo sakin ang lahat Lilaine. Kaya you better stay here with me tonight." gustuhin ko mang tanggihan siya pero hindi na pwede, kasi nasabi ko na sa kanya yung matagal ko nang itinatagong katotohanan.

"S-Sige, I will stay." kabadong sagot ko habang nakatuon padin sa baba yung aking mga mata, I felt that my body was shaking, I just didn't expect him to react like that.

Natural Lilaine, ganun talaga ang magiging reaksyon niya. Ikaw ba naman taguan ng anak sa loob ng mahabang panahon, ewan ko nalang, baka mawala kapa sa sarili mo niyan.

Tanging pagbuntong hininga ko lang yung naririnig ko sa mga oras na 'to, ni kahit na anong galaw ay hindi ko rin magawa. Para akong nabunutan ng tinik sa didbib, pero ang inaalala ko ngayon ay yung anak ko. I have no idea if she will get mad to me like her father does.

Naglakas-loob akong tumingin kay Zyler na ngayon ay halatang pagod na sa kanyang itsura. Hawak-hawak pa niya ng mahigpit yung lata nung alak na kanyang iniinom. Nagsimula na akong humakbang palapit sa kanya.

"I don't know what should I feel right now, Lilaine." pagbasag niya ng katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa, muli tuloy siyang napaiyak.

Nais ko man siyang yakapin at paulit-ulit sabihin ang salitang patawad pero ewan ko ba kung bakit parang tinatanggihan ito gawin ng katawan ko.

"P-Patawarin mo ako---"

"Patawad?! Do you really hear what you're trying to say in front of me?!" sigaw pa niya at hindi ko na malaman kung anong dapat kong gawin para kumalma lamang ang kanyang nararamdaman.

"Tang ina Lilaine, mahal kita eh. Alam mo ba 'yon?" hinayaan ko lang siyang magsalita kahit na ang totoo ay hindi ko na maifocus ang utak ko sa nangyayari.

"And because of this love for you...I keep accepting those excuses! I keep accepting those reasons! Right? It's because of this freaking love! Sana hindi nalang siya nag-eexist sa isang tulad ko, para sana nung iniwan mo ako ay siyang pagkawala din nitong nararamdaman ko para sayo." frustrated niyang pinasadahan ng kamay yung buhok niyang nagulo na, yung itsura niya na para bang nagsasabing tama na.

Sana nga ganun nalang kadali ang lahat Zyler. Ako din naman, tangang-tanga sa sarili ko, kulang pa yata ang salitang 'yon para ilarawan lahat ng ginawa ko sayo.

"Nasasaktan na kita, pero bakit gusto mo pading manatili ako sa harapan mo? H-Hindi ba dapat...pinapaalis mo na ako? Hindi ba dapat, ayaw mo na akong makita pa ngayon dito?"

"Sa tingin mo ba ganun lang kadaling pakawalan ka? No fucking hell...you'll gonna stay here until madala ni Lathan yung bata dito bukas. Baka kapag pinaalis kita ay hindi kana naman bumalik." pagkasabi niya nun ay tumayo na siya sa kanyang kinauupuan, tapos hinagis niya lang sa kung saan yung pinag-inuman niyang lata.

Pagkalampas niya sa kinatatayuan ko ay napapikit pa ako dahil sa panlalamig na nararamdaman ko. Nakisabay pa sa pagdaan niya sa gilid ko yung amoy niyang hindi padin nagbabago.

Akala ko iiwan na niya ako dito pero nagkamali ako, bigla nalang kasi niya akong hinawakan sa pulsuhan at pinaharap sa kanya, kung saan doon niya sinalubong ng isang halik.

A kiss for his pain and everything he felt right now.

Ito yung halik niya sakin na iba ang pinaparating. I closed my eyes and let my tears flow down again. Tears that never get tired of coming out. He slowly touched my cheeks and gently caressed it with his thumb, like he was trying to wiped those sorrow that I have.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon