CHAPTER 48 - WHY

809 23 0
                                        

Lilaine's POV

"Give me the last month report , Angeline. Then maybe after this, you may now take your holiday vacation." sabi ko sa secretary ko na nakaupo ngayon sa harapan nitong table ko, ilang araw na din kasi at muli na namang sasapit ang pasko.

"T-Talaga po ba, Ma'am?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin kaya napangisi naman ako.

"Hindi. Joke ko lang 'yon, magtatrabaho ka dito hanggang sa magputukan sa New Year." pabirong sagot ko na ikinatulala naman niya, nagpigil naman ako ng tawa sa kanyang itsura.

"Ano po?! S-Seryoso po ba kayo diyan?" doon na lumabas yung tawa ko nang masilayan ko kung paano talaga siya mawalan ng dugo sa mukha.

"Kanina, seryoso ako. Ngayon hindi na." napabuga naman siya ng hangin at halatang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko.

"Grabe Ma'am, kinabahan ako do'n. Akala ko talaga seseryosohin niyo yung sinabi niyo kanina." napuno tuloy ng tawa yung loob nitong opisina ko.

I just wanna make her happy or say something na talagang makakapagpakaba sa kanya. Si Angeline kasi yung naging katuwang ko dito sa opisina magmula nang ipasa sakin ni Tiya itong resort niya. And I'm so overwhelmed that she stayed loyal to me as her boss.

Lahat ng trabahong pinapagawa ko sa kanya mula pa noon ay hindi mo makakakitaan ng kahit na anong kamalian, siguro kung meron man, parang alikabok lang 'yon ng bahay.

"Oww, wait, muntikan ko na nga palang makalimutan." hinila ko na yung drawer nitong desk ko saka dinampot yung brown envelope na nung isang araw ko pa nakakalimutang iabot sa kanya.

Sinara ko ulit 'yon saka binigay sa kanya yung hawak-hawak kong envelope na naglalaman ng bagay na alam kong ikasasaya niya ng sobra.

"Ano po 'to Ma'am?" tulalang tanong niya sakin.

"It was your bonus, Angeline. At sana magamit mo 'yan para sa celebration niyo ng family mo nitong darating na Christmas and New Year." napatakip naman siya sa kanyang bibig habang nanlalaki pa ang mga mata niya.

"Legit ba 'to?!" pansin kong naluluha pa siya bago niya napagdesisyunang buksan yung envelope na binigay ko sa kanya.

Tuluyan na siyang naluha saka muling binaling ang atensyon sa 'kin.

"Thank you Ma'am Lilaine, maraming maraming salamat po ng sobra." dahil sa tuwa ay nagawa pa niya akong yakapin kahit na may mesang nasa pagitan naming dalawa.

Hinaplos ko naman siya sa likuran at hinayaan siyang maglabas ng emosyon.

"Kung tutuusin nga, kulang pa 'yang binigay ko para sa lahat ng ginawa mo for me and for this resort. I'm so glad talaga na naging secretary kita." bulong ko pa saka kumalas sa kanyang pagkakayakap.

Siguro ilang years lang naman yung tanda ko kay Angeline kaya parang kapatid na din yung turing ko sa kanya.

"Sige na my dear secretary, you may go home now and sulitin mo yung bakasyon mo hah? Saka malapit na din gumabi, kaya mas magandang makauwi ka ng maaga mula dito." dagdag ko pa bago tumingin sa wristwatch ko.

"Sige po Ma'am, mauuna na po ako. Maraming salamat po ulit dito." tumango naman ako at pinanood siyang lumakad palabas nitong opisina ko.

Tumayo na din ako mula sa swivel chair para ayusin na yung gamit ko, para maya-maya ay makauwi na din ako sa Manila.

Siguro tumagal pa ako ng ilang minuto sa pag-aayos bago tuluyang nakalabas ng opisina at nakasakay ng kotse. And thank God kasi sapat naman yung suot kong blazer para hindi ako malamigan dito.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon