CHAPTER 30 - MONTHS

1K 29 2
                                        

WARNING | Some scenes might not be suitable for the young age.

~~~

Lilaine's POV

Abala lang ako sa pagtutupi ng mga damit ko na kakakuha ko lang sa sampayan ng biglang tumunog yung cellphone ko na payapang nakacharge sa gilid.

Napakamot pa ako saking batok saka kinuha 'yon. Sandali ko pang tinignan kung sino yung tumatawag, si Lathan.

Umupo muna ako sa kama saka sinagot yung tawag niya.

"Hello?"

[ Lilaine, uh, good morning. Naistorbo ba kita? ] bungad niya sakin.

"Hmm, hindi naman. Natigil lang ako sa pagtupi kasi nga may tumawag, ikaw pala." kaswal ko namang sagot saka hinintay ang sasabihin niya.

[ Oww, sorry for that. Uhm, anyway, kaya lang naman ako tumawag kasi gusto kong magpaalam sayo, ] agad naman akong binalot ng pagtataka sa sinabi niya.

"Hah? Bakit? Saan ka pupunta?" sandali pa siyang tumawa, kasi naman ang OA ng reaksyon ko sa kanya, gulat na gulat lang?

[ You look surprised, huh? ] napanguso naman ako saka pabagsak na humiga sa kama.

"Eh kasi, hindi ko naman inaasahan na 'yan pala ang sasabihin mo sakin. Akala ko tungkol lang sa Hotel, day off ko pa naman ngayon diba?"

[ Yeah, I know that. Kaya nga I called you kasi mawawala ako sa Hotel ng mga siguro...about 2 weeks. ]

"Ah, ganun ba? Saan punta mo?" tanong ko pa kahit na hindi ko naman na karapatang malaman, pakealamera talaga ako kahit kailan, tss.

[ I just need to take some time for myself, gusto ko muna magrelax after nung nangyari kay Mama. Magbabakasyon lang ako sa Japan. And don't worry, babalik naman ako sa Hotel before new year, dadalhan din kita ng pasalubong. ] napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Nako, salamat talaga Lathan. Kahit na hindi ko man hilingin, kusa mo namang binibigay sakin." magiliw kong sabi sa kanya.

[ Wala 'yon Lilaine, and about kay Zyler alam na din niya na aalis muna ako ng bansa. Siguraduhin lang talaga niya na iingatan ka ng kapatid ko, kung hindi makakatikim talaga 'yon sakin. ] pabirong banta pa niya.

"Aish, oo naman. Oh sige na, maghanda kana diyan para sa flight mo, ingat nalang sa biyahe." paalala ko naman sa kanya.

Naalala ko nga din pala na uuwi din ako sa probinsya bago magpasko at nakapagpaalam na din ako kay Tiya, mabuti nalang at pinayagan niya agad ako.

Miss na miss ko na din kasi si Mama. Ilang buwan ko na din siyang hindi nakakasama eh, kaya talagang babalikan ko siya doon. Pag-iisipan ko din kung kukuhanin ko na siya dito at pansamantalang patirahin sita sa condo na bigay sakin ni Tiya.

Tutal wala na din naman siyang kasama doon at tapos na ang problema namin kay Aling Julia.

[ Sure, thanks for the time Lilaine. See you after Christmas. ] huling sabi niya bago naputol ang tawag.

Bumangon na ulit ako sa kama at nilapag yung cellphone sa kinuhanan ko kanina. Babalik palang sana ako sa pagtutupi nang muli itong tumunog.

Aba'y---

"Hello---"

[ Who the hell are you talking with, babe? ] hindi pa nga ako nakakapagsalita ay sinapawan na naman niya ako, batukan ko na 'to eh!

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon