CHAPTER 32 - CHRISTMAS

822 21 0
                                        

Lilaine's POV

Mabilis na nagdaan ang mga araw at dumating na agad ang noche buena. Syempre sa mga lumipas na araw ay madami ding nangyari sa bahay kasama si Zyler. Akala ko hindi siya sanay sa ganitong klase ng pamumuhay, pero sa halip ay pinakitaan pa niya ako ng mga kaya niyang gawin.

Tulad nalang sa pagpuputol ng kahoy na ipanggagatong namin kasi hindi pa nakakabili si Mama ng maayos na lutuan, siya ang gumawa nun para sakin, kaya wala naman akong ibang nagawa kundi ang hayaan siya.

Sa pagbubuhat din ng tubig mula sa balon, basta mga usual na ginagawa ng mga taong nasa probinsya. Nag-aalangan pa nga ako kasi baka mamaya ay puro reklamo lang ang matanggap namin ni Mama, pero nagkamali ako sa kaisipang 'yon.

"Lilaine? Okay kalang ba, babe?" tanong niya pagkalabas niya dito saming bakuran.

Pinagmamasdan ko kasi yung mga taong abala sa kani-kanilang pupuntahan ngayong gabi. Yung iba ay mamamasyal ng kumpleto ang pamilya, kaya hindi ko naman maiwasang malungkot.

Pang-limang pasko ko na kasi 'to na hindi kasama si Papa. Pero alam ko namang nasa maayos na siyang kalagayan ngayon, kaya dapat hindi na ako mag-aalala para sa kanya.

Miss na kita, Papa. Merry Christmas po!

"Okay lang naman ako," tipid kong sagot saka siya tinitigan, ngumiti siya sabay abot ng dalawa niyang kamay sakin.

"Come here babe," niyakap niya naman ako ng mahigpit kaya naibaon ko yung mukha ko sa dibdib niya, hindi ko naman maiwasang mapapikit dahil sa mabangong amoy niya na nanunuot sa ilong ko.

"Merry Christmas, Lilaine." bati pa niya habang ako'y abala sa pakikinig sa tibok ng kanyang puso.

"Merry Christmas din, Zyler." bulong ko.

Naramdaman ko pa ang marahang paghaplos niya saking buhok pababa saking likuran. Hinalikan niya ako saking ulo kaya napangiti naman ako ng lihim.

"I want to celebrate more Christmas with you, babe. I hope we'll stay together up until the end of our story." kumalas siya sa kanyang pagkakayakap bago ako hinalikan ng magaan sa labi.

"I love you, babe." tinitigan ko siya sa mata at kitang-kita ko ang pagkasinseridad niya sa binitawan niyang salita.

"I...love you too, Zyler." napangiti siya saka hinaplos ang pisngi ko.

"Anak! Zyler? Dumito na kayo at may bisita tayo," naputol ang kadramahan namin nang tawagin kami ni Mama.

Sabay naman kaming pumasok sa loob at nagulat nalang ako ng makita ko si Aling Julia na may dala-dala pang isang bilao.

"Aling Julia," tawag ko pa sa kanya saka nagmano, pero si Zyler ay nanatiling nakatayo lang sa likuran ko.

"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi ulit dito, Lilaine. Akala ko'y hindi mo na babalikan ang iyong Ina dito," kunwaring masungit niyang sabi saka ako nginitian.

Tinanggap naman ni Mama yung dala niyang bilao hanggang sa marinig ko ang isang boses na papalapit sa sala.

"Mama!" napakurap pa ako ng ilang beses nang makita ko yung anak ni Aling Julia na si Lauvhie, at inaamin kong hindi ko gusto ang ugali nito.

Maldita at masyadong mataas ang tingin sa kanyang sarili.

"Pasensya na at natagalan ako..." naiyukom ko naman ang kamao ko ng mapadpad ang mga mata niya kay Zyler na walang kamalay-malay na may nakatitig sa kanya ngayon.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon