Lilaine's POV
Para akong bata dito na maluha-luha habang hinihintay ang magiging explanation sakin ni Tiya tungkol doon sa lalaki na tinatawag niyang Manager.
Bakit nandito padin yung lalaking 'yon?! Akala ko ba nilayo na ako ni Tiya pero paano? Bakit? Akala ko ba...
"Hey darling, stop crying na." tumabi na sakin si Tiya dito sa may iilang hakbang nitong hagdanan ng entrance nitong Hotel.
Ayoko kasing pumasok doon dahil baka makita ko na naman siya! Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya sakin noong nakaraan!
Ano bang malay ko kung dito nagtatrabaho ang isang 'yon! Eh di sana una palang ay hindi na ako pumayag sa gusto ni Tiya.
"Here, drink this hot chocolate." malapit na maghapon kaya ramdam ko din na mas lalong lumalamig dito sa labas.
Ininom ko 'yon bago nilingon si Tiya na kalmado lang na pinagmamasdan ang paligid.
"Tiya, gusto ko na talaga umuwi." pagmamakaawa ko pa saka ngumuso sa harapan niya.
"He's not Zyler, dear." lalong napakunot ang noo ko sa kanya.
"Po?! Anong hindi siya, eh kitang kita ko na siya po 'yon!" pagpupumilit ko pa sabay higop ulit doon sa binigay niyang inumin.
Tanging pagtawa lang yung sinagot ni Tiya sakin.
"Nope, he's not." kung makapagsalita si Tiya ay akala mong siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasabi.
"P-Pero...paanong hindi siya?" medyo bumaba na yung tono ng pananalita ko.
Tinitigan ako ni Tiya ng diretso sa mata at doon ko nakita ang isang sagot, sagot na hindi niya kayang sabihin sakin.
"I don't know, I just know it Lilaine." para na akong nababaliw sa mga sinasagot ni Tiya.
"Huh? Hindi mo alam pero alam mo po?" natawa na siya sa itsura ko ngayon, siguro mukha na akong natatae sa harapan niya.
Hinaplos nalang niya ang buhok ko, para bang sa pamamagitan nun ay pinapakalma niya ako.
"Just bare with me, please?" pakiusap pa niya kaya hindi ko naman maiwasang maging malambot.
Naalala ko na si Tiya nga pala ang tanging taong tumutulong sakin ngayon. Tapos ako pa itong si malakas magdemand na hindi naman karapat-dapat.
Napabuntong hininga ako saka nag-iwas ng tingin.
"P-Pasensya na po. Sadyang naguguluhan lang talaga ako sa nakita ko," sabi ko pa.
"It's fine, Lilaine. So...can we get inside na?" wala akong choice kundi ang tuluyang sumunod sa sinabi ni Tiya.
Si Kuya Carlo ay kanina pa nasa loob kasama nung mga dala kong gamit. Sadyang ako lang talaga itong matigas at ayaw pa pumasok.
Pagpasok namin sa Hotel ay front desk ang una mong makikita. Muli ay nakaukit sa may pader nito ang Hotel Matisha.
At bubungad din sayo yung ilang upuan kasama ng pabilog na mesa na siyang pinaghihintayan ng customers.
Dito palang ay nagsusumigaw na ang ganda nitong Hotel, paano pa kaya kung makakuha ka ng isang kwarto dito, sigurado akong libo-libo na ang halaga nun.
"Elfina? Can you please call your Manager? And pakisabi na nandito na ulit ako," utos ni Tiya doon sa isang babae na may katangkaran at tamang tama yung hubog ng katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/246511990-288-k128958.jpg)
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...