CHAPTER 16 - MOVIE

1K 35 2
                                        

Lilaine's POV

Hila-hila ko ang isang maliit na maleta at nakapatong dito yung kulay gray kong handbag.

Umupo muna ako sa isang sofa dito sa may lobby ng condo na aking inuuwian, at biyernes na ng gabi ngayon.

Bago kasi ako umuwi dito galing Baguio ay dumiretso muna ako sa isang mall para makabili ng bagong cellphone.

At kung tutuusin ay pangalawang bili ko na ito mula nang mapadpad ako dito sa Maynila. Yung una ko kasing binili ay hindi kinayanan ang ginawang pagbalibag sa kanya ni Zyler noong nakaraan.

Kaya heto, sinisigurado ko na matibay na 'tong nabili ko.

Ginilid ko muna yung dala kong maleta bago nilapag sa kaharap kong mesa yung cellphone. Ilalagay ko kasi yung dati kong sim card para matawagan ko na si Mama sa Nueva, Ecija.

Baka mamaya kasi ay nag-aalala na 'yon, halos ilang araw na ding hindi ako nakakatawag doon.

Kahit tuloy si Tiya ay hindi ako nakakausap ng diretsahan dahil nga sa wala akong magamit. Kaya mahalaga talaga na makabili na ako ng bago.

Siguro mga ilang minuto lang naman  yung pagseset-up ko ng sim card kaya kaagad ko na itong binuksan at dinial yung number ni Mama.

Nakailang ring pa 'yon bago niya ito sinagot.

"Hello, Ma?" bungad ko sa kanya.

[ Naku, anak! Mabuti at nakatawag kana, sobra akong nag-alala sayo. Hindi kasi kita matawagan nitong mga nakaraang araw. May nangyari ba? Ayos kalang ba diyan? ] sunud-sunod niyang tanong na agad ko namang ikinatawa.

"Ma, sabi ko naman sayo ayos na ayos ako dito. Saka pasensya na nga po pala kung hindi ako nakatawag sayo, kasi po nasira yung cellphone ko noong nakaraang linggo. Ngayon lang ulit ako nakabili ng bago," paliwanag ko naman habang pinapanood yung mga taong labas-pasok dito sa condo.

[ Ganun ba? Oh siya, nasaan kaba ngayon? Nasa trabaho kapa? ]

"Wala na po Mama, kakauwi ko lang galing Baguio. Day off ko na po ngayon kaya kakadating ko lang din dito sa Taguig." kaswal ko namang sagot.

[ Dapat nagpapahinga kana ngayon anak, saka kumain ka muna hah? Huwag mo ding kakalimutang maglock ng pinto, wala pa naman ako diyan para samahan ka. ] paalala niya na agad namang ikinatunaw ng puso ko.

"Salamat Ma...miss na kita." mahinang sambit ko kaya sandaling nanahimik ang kanyang linya.

[ Ako din anak, miss kana ng Mama. Umuwi ka dito sa pasko hah? ]

"Syempre po Mama, saka kapag tapos na yung pasko, dito kana sakin. Nabayaran naman na natin kay Aling Julia yung utang kaya wala kana dapat ipag-alala Mama. Magsisimula tayo ng bagong buhay dito." naluluhang sambit ko kahit na wala naman siya dito saking harapan.

[ M-Maraming salamat anak, biyaya ka talaga ng Diyos sakin. Mahal na mahal kita, Lilaine. ]

"Mahal din kita Mama," napatingala pa ako saglit para mapigilan ko ang pagbagsak ng mga luha ko.

Kasi kahit sabihin ng iba na malaki na ako at may sarili na akong desisyon sa buhay, iba padin talaga yung pakiramdam kapag nasa tabi mo ang 'yong magulang.

Tipong nasa puder ka padin niya, kung saan nararamdaman mo ang pagmamahal at pagkalinga niya sayo.

[ Sige na anak, ibaba mo na ito para makapagpahinga kana din diyan. ]

"Sige po Ma, salamat. Mag-iingat ka din diyan ah?" huling sabi ko saka pinutol ang tawag.

Napasinghot pa ako dahil pakiramdam ko'y tutulo na ang aking sipon dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Mama.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon