Lilaine's POV
Tumigil na yung sasakyan ni Lathan dito sa parking lot ng resort, and it's already seven o'clock since we arrived here. Napalingon ako sa back seat at doon ko nakita si Xy na nakatulog na dahil sa biyahe papunta dito sa Tagaytay.
She looks so innocent while sleeping, pero halata kong pagod na siya ngayon. Masyado kasi akong tanga at hinayaan ko pa silang sumama sakin. Inabot ko nalang yung pink blanket na nasa tabi niya at pinatong yun sa kanya para hindi siya malamigan.
Napabuntong hininga ako saka muling binaling ang atensyon kay Lathan na ngayon ay nakatitig na sakin.
"You better stay here with my daughter. Uuwi na din tayo agad pagkatapos kong kausapin yung client ko, sandali lang naman ako." mahinang sambit ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
"Are you sure?" paninigurado pa niya, kaya dahan-dahan nalang akong tumango.
"Or kung pagod ka na magmaneho, pwede naman tayong magcheck-in nalang ng isang Hotel dito, then tommorow morning kayo nalang ni Xy yung uuwi sa Manila." suhestiyon ko pa saka sinuri ang itsura ko sa rear view mirror nitong sasakyan.
"Saka meron naman akong extra clothes sa office, and tama lang yun for one week, maybe?" dagdag ko pa.
"Sure sure, take care Lilaine." ngumiti naman ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng kotse.
Napayakap pa ako saking sarili dahil sumalubong sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Dali-dali na din akong nagtungo sa may parteng lake view nung resort since 'yon ang sinabi ng secretary ko na kinaroroonan nung lintek na nagpatawag sakin dito.
Pero bilib din ako sa kanya kasi kahit ilang oras pa bago ako nakarating ay nandito padin siya, sana lang talaga.
Subukan niya akong pagtripan, hinding-hindi na siya makakatapak sa resort na 'to sa buong buhay niya.
"Good evening Sir, are you the one who---"
"Thank God Ms. Panganiban, you're already here." isang lalaking parang kasing-edad lang ni Papa kung nabubuhay pa siya, at base sa nakikita ko ay nagsusumigaw sa kanyang imahe ang isang kakayahan or sabihin na nating mayaman.
Bahagya pa akong natulala nang mapansin kong para siyang may kamukha, pero hindi ko masabi o hindi ko makumpirma kung sino. Tss, baka naman nag-iilusyon ka lang Lilaine, pagod ka lang siguro.
"I-I'm sorry Sir, galing pa kasi akong Manila at traffic pa sa may express way. Hindi ko naman po kasi alam na ipapatawag niyo ako ng biglaan dito, ano po ba ang problema?" hinila ko na yung isang upuan sa harap niya saka nilapag yung bag ko sa mesa.
Napakunot pa yung noo ko ng mapansin ko yung isang cellphone na nakalapag pahorizontal sa mesa, mukhang hindi sa kanya kasi iba yung pwesto nito.
"Uhm to be honest Ms. Panganiban, I'm not the one who needs to talk with you." pusang gala talaga oh, sinasabi ko na nga bang scammer 'tong kausap ko ngayon eh!
"Eh sino po? A-Akala ko ba kayo yung tumawag sa secretary ko at kailangan akong kausapin ora mismo?" pinilit kong kumalma kahit na gustung-gusto ko ng sumabog.
Nagpalinga-linga siya sa paligid at halatang may hinihintay na dumating. Habang ako ay nababagot na nakaupo dito, iniisip ko kasi si Xy ngayon.
"Damn, where the hell is my son---oww, he's already here again." napakamot pa ako sa ilong ko saka nilingon yung taong tinitignan niya, anak pala niya hah!
Pagkalingon ko mula saking kinauupuan ay awtomatiko akong natigilan. Parang lahat ng systems ko sa katawan ay nagshut-down. Nanigas ako mula sa pwesto ko at hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte nito.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
