CHAPTER 57 - LIED

817 20 5
                                        

A/N: Sorry po kung wrong grammars ako ah? Hindi po kasi ako sanay sa pagsasalita ng wikang Ingles, pero tinry ko naman po yung best ko para makapag-spokening dollars yung karakter ko, hehe. ←(>▽<)ノ

Enjoy reading! =)

~~~

Lilaine's POV

"I'm sorry. I-I'm really sorry." nagising yung natutulog kong diwa nang mangibabaw saking tenga ang isang boses, ramdam ko din yung paulit-ulit niyang paghalik sa kamay ko at ang pagpatak ng kung ano saking balat.



"P-Please...forgive me." dagdag pa niya na ipinagtaka ko naman, I opened my eyes and a white ceiling was the first thing I saw.



Unti-unti akong nagbaba ng tingin at nakita ko si Zyler na umiiyak ngayon habang hawak ng mahigpit ang kaliwang kamay ko.



"H-Hey," pag-agaw ko ng atensyon niya, namamagaw pa yung boses ko nang sinimulan kong magsalita, nanlaki ang kanyang mga mata sakin.

I just smiled a bit while staring at him.



"W-Why am I here?" tanong ko pa kaya dahan-dahan naman niyang binitawan yung kamay ko, dala din ng kanyang mata ang isang emosyong hindi ko mabatid kung anong pinapahiwatig.

I tried to get up but he stopped me.



"Y-You need to rest," he said like he's in pain, napalibot tuloy ako ng tingin sa loob nitong kwarto at doon ko lang napansing nasa hospital pala ako.



May swero pang nakakabit sakin kaya tinanggal ko naman 'yon na talagang ikinagulat niya.



"Fuck, don't removed that!" taranta pa niyang binalik 'yon kaya wala ako sa sariling nagpaubaya sa kanya.



"Bakit ba kasi ako nandito, Zyler? Can you just please answer me?" nauubusan na ako ng pasensya sa kanya.



Nanghihina siya nang mapaupo sa gilid nitong kama ko, kung saan doon niya ulit ako hinawakan sa kamay at binitawan ang salitang nakapagpakabog ng dibdib ko.



"Y-You're pregnant, right?" nakangiting sabi niya at batid kong masaya siya sa kanyang nalaman, napatikhim nalang ako at marahan siyang tinanguan.



"U-Uhm...yes. Plano ko sanang sabihin sayo 'yon sa park kanina kaso---" napatigil ako ng maalala ko bigla si Xyline.



"Nasaan si Xy?" tanong ko at tumingin sa pintuan, umaasang papasok nalang siya bigla dito pero binalot nalang kami ng katahimikan, hindi padin niya ako sinasagot at wala pading lumilitaw na imahe ni Xy.



"Z-Zyler...nasaan yung anak ko? Nasaan yung anak natin?" nagsimula na namang bumigat ang dibdib ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos kong marinig ang sagot niya.



"S-She was missing, Lilaine." lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay niya.



I can't even understand what he said to me. Not until I remember the reason why I lost my conciousness earlier. Napalingon ako sa bintana at nakita kong malalim na ang gabi.



Muling nag-init yung sulok ng mga mata ko, wala din ako sa sarili ng padapuin ko sa kanyang pisngi ang palad kong nangangating sampalin siya ng paulit-ulit. Akala ko pa naman panaginip lang ang lahat ng 'yon.



"P-Paano mo nasisikmurang sabihin na nawawala yung anak natin, hah?!" binalot na ako ng galit at wala akong ideya kung paano huhupa yung emosyong 'yon saking dibdib.



Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon