Lilaine's POV
"A-Aray, huwag mo muna akong kulitin Zyler." sabi ko pa sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata, sikat na kasi yung araw pero heto padin kaming dalawa at nakahiga sa kama.
"Why? I just want to cuddle you, babe." sagot naman niya saka umayos ng higa, nahihilo na din ako kasi kanina pa siya galaw ng galaw na parang bulate sa tabi ko.
"Masakit pa yung katawan ko Zyler, masyado mo din akong pinagod kaninang madaling araw. Kaya please? Hayaan mo muna akong magpahinga." mahinang sambit ko na nakapagpatahimik sa kanya, pero maya-maya lang ay narinig ko na naman ang nakakarindi niyang tawa.
"O-Oww, I'm sorry babe hahaha!" pagkasabi niya nun ay muli niyang dinantay ang kanyang hita sakin at binaon pa ang mukha niya sa leeg ko na agad ko namang ikinakiliti.
Hinayaan ko nalang siya sa ganung posisyon, hanggang sa nagising nalang ako na wala na siya sa tabi ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame at pakiramdam ko'y tanghaling tapat na. Buti nalang at hindi ako binulabog ni Mama.
Pagkabangon ko naman mula sa kama ay siya namang pagtunog ng cellphone ni Zyler. Napatingin pa ako sa pinto dahil baka mamaya ay bigla na naman siyang sumulpot.
Pinilit kong gumalaw kahit na mahapdi pa yung pagkababae ko, hila-hila ko din ang isang kumot na pinambalot ko saking katawan, hindi pa din kasi ako nakakapagbihis pagkatapos nung nangyari samin ni Zyler.
Unknown caller yung nabasa ko sa screen kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin 'yon, hinayaan ko nalang din na siya ang unang magsalita bago ako.
Mahirap na, dahil baka mahalata na nung tumatawag na hindi si Zyler ang sumagot sa kanya.
[ B-Babe! ] napakurap pa ako ng ilang beses sa sinabi niya, tama ba yung pagkakadinig ko? Babe?
Boses ng isang babae ang bumungad sakin, halata din sa kanyang pananalita ang pagiging mahinhin. Sigurado akong siya na si Lysandra na EX na tinutukoy ni Zyler.
[ Uhm, I'm so happy that you answered my call...I missed you so much, Zyler. Please come back to me again, ] natulala nalang ako at hindi malaman ang sasabihin.
Pakiramdam ko'y unti-unti ding bumibigat ang nararamdaman ko. Anong nangyayari sakin? Parang...parang ang hirap huminga?
[ I came back for you, Zyler. I really missed everything about us...I love you babe. ] hindi ko alam pero kusang pumatak ang luha na mula saking mga mata.
Parang may bumarang kung ano din saking lalamunan, kaya kahit ang pagsasalita ay hindi ko magawa. Napasinghot nalang ako at nakalimutan ko atang may kausap ako sa cellphone.
[ Z-Zyler? Are you there, babe? Bakit hindi mo ako sinasagot? A-Are you crying? ] napatikhim agad ako at pilit na pinapatigil yung mga luha kong patuloy akong tinatraydor.
Napatakip nalang ako saking bibig para pigilan ang paghagulgol ko, tahimik ko nalang ding ininda yung sakit na nararamdaman ko, masyado naman yata akong madrama ngayon. Akala ko kasi...tapos na sila. Akala ko wala nang namamagitan sa kanilang dalawa, pero bakit kasi ganito umasta si Lysandra?!
Kung makapagsalita siya ay akala mong ganun lang kadaling bumalik ang lalaking dati niyang minahal gayong siya itong nang-iwan, argh!
[ Hey Zyler, say something please? ] pakiusap pa nung babae sa kabilang linya, lintek! Kagigising ko lang pero ito na agad ang bumungad sakin, sana pala...hindi nalang ako nagising.
Napabuntong hininga ako at sinubukang kumalma, ibubuka ko palang sana yung bibig ko nang bumukas na yung pinto kaya nanigas naman ako sa kinalalagyan ko. Doon nagtagpo ang mata naming dalawa ni Zyler, bahagya pa siyang nagulat nang makita niya na hawak-hawak ko na naman ang kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
