Lilaine's POV
Ilang oras lang naman yung biniyahe namin mula Hotel hanggang dito sa La Trinidad na kung saan matatagpuan ang malawak na taniman ng strawberries.
Pagbaba namin ay agad kong pinagmasdan ang luntiang tanawin dahil sa dami ng tanim dito. Ang iba yata ay gulay na tanging dito lang sa Baguio nabubuhay.
Napalingon naman ako sa gilid ng makarating na din si Lathan sa tabi ko, pansin ko pa yung isang camera na nakasukbit sa kanyang katawan.
Hindi ko naman alam kung saan niya 'yon nakuha.
"Let's go," hindi nalang ako umimik at sumabay sa kanyang lakad.
Mahangin din at tamang-tama lang yung sikat ng araw na tumatama saking balat.
Unang bumungad sakin ang mga nagtitinda ng kung ano-anong souvenirs dito sa Baguio. Napakadami at malaya kang makakapili ng nais mo.
Meron ding iba-ibang produkto na gawa mismo sa strawberry tulad nalang ng mga jams o palaman na pwedeng pwede sa tinapay.
Ilang saglit pa ay kitang-kita ko na talaga yung sa taniman dito. Medyo nauuna pa ako dahil ngayon lang talaga ako nakarating dito at gusto ko nang makapitas ng strawberries.
Ngayon ko palang kasi masusubukan 'yon.
Pagkaharap ko saking likuran ay sakto namang humampas saking mukha yung buhok kong nililipad ng hangin.
Dali-dali ko 'yong inayos at pinagmasdan kung ano yung ginagawa ni Lathan.
May tinitignan na siya sa kanyang camera kaya ako naman itong si nakausiyosa.
"Ano 'yan?" sabay silip sa kanyang hawak pero pinatay niya lang yun sabay tingin sakin.
"Nothing, tara na." simpleng sagot niya sabay hawak saking kamay at hinila patungo sa kung saan.
Hanggang sa may babae na medyo may katandaan na ang nag-abot samin ng dalawang basket at gunting na gagamitin pamitas.
Tinuro pa niya samin kung paano ang tamang pamimitas nung strawberries at kung ano yung hinog sa hindi.
"Come here, Lilaine." lumapit naman ako sa kanya ng makita kong nagsisimula na siyang pumitas habang nakayuko.
"Mukhang sanay kana dito ah," komento ko pa ng lagyan niya yung basket ko ng ilang malalaking piraso nito.
"Maybe? Ito kasi yung hilig na prutas ni Mama, kaya siguro sanay na din akong manguha dito." napatango naman ako saka sinundan lang siya sa kung saan ang kanyang punta.
Makalipas ang ilang sandali ay napuno na din yung dalawang basket kaya pinabalot na namin ito.
Kumuha agad si Lathan dito at tinutok sa may bunganga ko.
"Taste it," kahit na medyo naiilang ako ay kinain ko nalang yung hawak niya.
"Tamis diba?" nginunguya ko pa 'yon kaya hindi agad ako nakasagot sa kanya.
"Oum," ngumiti naman siya sakin at habang pinagmamasdan ko ang kanyang itsura ay di ko naman maiwasang matulala.
Napakaaliwalas kasi ng kanyang eskpresyon at wala man lang itong bahid ng kung anong negatibong emosyon.
Kaya sigurado ako na kapag may bago siyang nakikilalang tao ay paniguradong makakasundo niya aga dito, kasi ganyan ang kanyang presensya.
Pagkatapos namin pumunta sa strawberry farm ay nagtungo naman kaming dalawa sa isang restaurant dito sa may Session Road para makakain muna kasi tanghali na din.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
Storie d'amoreSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
