CHAPTER 43 - NECKLACE

724 24 0
                                    

Lilaine's POV

"Mommy? Can you braid my hair po?" tanong ni Xy na ngayon ay kakapasok lang dito sa kwarto, hawak-hawak pa niya yung maliit niyang suklay kasama nung lagayan ng kanyang sanrio.

"Oww, sure baby. Wait, tatapusin lang ni Mommy 'to." sagot ko naman sa kanya kaya pinanood ko naman siyang gumapang paakyat sa kama ko.

Muli na akong humarap sa vanity mirror at nagmadaling nilagay yung nude lipstick ko saking labi. Ayaw ko naman kasi ng masyadong dark shade, saka papasyal lang naman kami ng anak ko kasama si Lathan somewhere kaya hindi ko kailangang mag-ayos ng bongga.

Natutunan ko na din kasing maglagay ng make up since kailangan kong maging presentable sa resort bilang kanilang CEO. Alangan namang harapin ko mga workers ko pati nung mga guests doon ng may namumutlang mukha.

Baka isipin pa nila nauubusan na ako ng dugo.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay niligpit ko na yung mga nagamit ko na kung anu-ano, bago ko hinarap si Xyline na ngayon ay tahimik lang na pinapanood ako.

Bahagya naman akong natawa saka nilapitan siya.

"Hmm, why my baby staring at me, huh?" umupo na ako sa tabi niya saka kinuha yung mga hawak niyang gamit.

"I was just thinking po, why my Mommy is too pretty? Is that the reason why Daddy fell inlove with you?" natulala pa ako saglit sa kanya bago tumawa, napanguso naman siya saka pinagkrus ang kanyang mga braso.

That habit makes me remember someone. Okay, here we go again Lilaine.

"No, hindi naman sa ganun anak. I want to explain that thing to you, but you're too young to understand---"

"But I want to know po Mommy." pagpupumilit pa niya kaya wala naman akong ibang nagawa kundi ang sagutin siya sa paraan na alam kong maiintindihan niya.

"You know what Xy, being inlove wasn't always about pretty faces. A person or a man will fall inlove with you by your heart, not on your face because when that's happened...well, hindi love ang tawag doon." wala akong ideya kung sa sinabi kong 'yon ay may naintindihan siya.

Alam kong masyado pa siyang bata para pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon.

Napakurap-kurap pa siya habang nakatitig sakin kaya natawa naman ako ng mahina.

"Don't think too much anak, saka huwag kang mag-alala, when you grow up, you will understand everything." hinaplos ko ang buhok niya saka siya masuyong hinalikan sa noo.

Lumuhod na ako sa kama at nagsimulang tirintasin yung buhok niya. Maya-maya lang kasi ay aalis na kami, gusto ko lang naman na makabawi sa kanya nung mga araw na wala ako dito.

Pagkatapos ko siyang talian ay sinuot ko na sa kanya yung necklace na matagal ko nang hindi ginagamit. Ewan ko din kung bakit magpasa-hanggang ngayon ay nasa akin padin itong kwintas na bigay ni Zyler sakin.

I have this feeling na gusto ko na siyang itapon kasi wala na naman siya sa buhay ko, pero para akong pinipigilan ng sarili ko na gawin 'yon.

"Thank you Mommy, ang ganda po nito." nagpilit tuloy ako ng ngiti habang nakikita kong hawak ng anak ko yung kwintas na 'yon, bakit ko nga ba kasi pinasuot pa sa kanya? Tss.

"No problem anak. Oh siya, go to your Daddy na at nang makaalis na tayo. Magbibihis lang ako saglit." hinalikan pa niya ako sa noo bago gumapang pababa ulit nitong kama.

"Sige po Mommy," tumakbo na siya palabas ng kwarto kaya tumayo na ako para makabihis na ng tuluyan.

Nakasuot naman na ako ng beige pleated cotton-twill wide leg pants at naghahanap nalang ako ng ipapares ko dito. Hanggang sa mahalungkat ko sa closet yung white fitted crop top shirt ko.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon