Lilaine's POV
"Patricia, pakiayos nalang ng konti yung tela sa gilid." utos ni Lathan sa kanya na agad naman niyang sinunod.
Muli siyang lumapit sa kinatatayuan ko at inayos nga yung tela na kasama sa suot ko ngayon, hawak hawak din niya ang iilang light make-ups na gagamitin sakin.
Nandito kasi kami ngayon sa Baguio, dito sa studio ni Lathan kung saan kinukuhanan niya ako ng litrato. Tinatamad man akong gawin 'to ngayon pero sadyang mapilit siya.
Kasama din namin ngayon sina Adrian, pati si Bianca na nalaman lang ang tungkol sa pagbubuntis ko noong limang buwan na ito. Samantalang si Mama naman ay bibiyahe na patungong Maynila sa susunod na araw para daw maalalayan niya ako saking panganganak.
Hindi rin ako makapaniwala na sa bilis lumipas ng panahon ay pang-thirty five weeks ko na ngayon, ilang linggo nalang ay makikita ko na yung baby ko na talagang ikinakaexcite ko.
"Smile Mommy!" natatawang sabi sakin ni Lathan sabay click ng camera.
Sa totoo lang ay halos mapupuno na yung photo album na puro litrato ko na si Lathan din yung mismong kumukuha. Buwan-buwan 'yon para daw makita ko kung gaano na kalaki yung tiyan ko.
Natutuwa naman ako kasi ang cute lang pagmasdan yung proseso ng pagbubuntis ko. Yung katawan ko naman na dating payatot ay bahagyang tumaba dahil nga dito.
"Napakagandang Mommy naman 'yang kinukuhanan mo ng litrato pre, sure ako na magmamana yung anak niya sa kanya." biglaang sabi ni Adrian na ngayon ay hawak-hawak ang isang golden reflector, sila-sila lang din kasi yung katulong ni Lathan sa photoshoot na 'to.
Natawa naman ako sabay haplos saking tiyan. Masaya kasi ako nung malaman ko ang gender nitong dinadala ko, mabuti nalang talaga at babae siya dahil kabisado ko na lahat ng pwedeng gawin sa kanya 'pag nagkataon.
"Yeah, I agree to you bro." ngumisi naman si Lathan saka sinipat yung mga kuha niya sakin.
"Oh, break muna tayo guys! Baka mapagod ang Mommy natin." inalalayan na ako ni Patricia na lumakad patungong upuan na nakalaan para sakin.
Nakasuot pa kasi ako ng floral off shoulder maternity dress na sumasayad hanggang sa sahig. Bagsak din yung buhok ko na kinulot pa kanina ni Bianca, tapos si Patricia na yung nag-ayos ng make up ko.
Grabe, complete package na talaga ako pagdating sa mga kaibigan. At hindi ako nagsisising nakilala ko sila lahat.
"Bianca, paabot naman ng isang bottled water diyan." ani Lathan nang makalapig siya sakin hawak ang isang rolyo ng tissue, kumuha siya doon saka dinampi dampi sa noo kong namamawis.
Kinuha naman ni Adrian yung isang stand fan at tinutok sakin.
"Salamat." nakangiting saad ko habang pinagmamasdan ang kanilang mga ginagawa para sakin.
Kanina pa kasi kami nagsimula magtake ng mga pictures ko, at nakailang outfit na din ako mula nang simulan 'to.
Inabot na sakin ni Lathan yung tubig, kaya pinanood niya naman akong inumin 'yon. Siguro mga nangalahati pa yung tubig bago ko yun inabot muli sa kanya.
"One last take then matatapos na tayo dito, kaya mo paba?" seryosong tanong sakin ng lalaking prenteng nakatayo ngayon sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
