PROLOGUE

5.4K 93 7
                                    

~~~

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHABLE BY LAW.

NO CHARACTER PORTRAYERS INTENDED.

NOTE: You may encounter typo grammatical errors in this story, please bare with this young author. Thank you.

ATTENTION: Some scenes might not suitable for the young age. (Pero young palang din yung nagsulat, bakit ganon? HAHAHA! Charot.)

~~~

Prologue

Malapit na sana akong makarating sa aming bahay nang makarinig ako ng sigawan.

Patakbo naman akong nagtungo sa trangkahan namin na gawa sa kahoy at doon ko natanaw si Aling Julia na sinisigawan na naman si Mama.

Nabitawan ko tuloy ang hawak kong plastic na naglalaman ng binili kong meryenda. Agad ko nang inawat si Aling Julia sa kanyang ginagawa.

"Aling Julia, t-tama na po. Baka naman pwede nating pag-usapan ito ng---"

"Letche! Palagi nalang 'yan ang bukambibig mo Lilaine! Kailan ba kayo makakabayad sa ilang libong utang niyo sa akin, hah?!" napapikit naman ako sa lakas ng sigaw niya habang yakap yakap si Mama.

Aminado naman ako na matagal na kaming hindi nakakabayad ng utang sa kanya magmula ng mamatay si Papa.

Noon kasi ay siya ang nagsusustento sa mga pangangailangan namin dito sa bahay. Kaso ngayong wala na siya, wala na din kaming maaasahan kaya unti-unti na ding nabaon sa utang si Mama.

Wala din kaming ibang maaasahan kundi ang mga sarili namin. Kasi wala din naman akong kapatid o malapit na kapamilya dito sa probinsya na pwedeng tumulong samin ni Mama.

Katulad nalang ngayon, kagagaling ko lang sa paglalaba doon sa kabilang bahay na siyang kahit papaano ay may kinikita ako ng kaunti.

"Ang tanda-tanda mo na kasing bata ka, hindi kapa maghanap ng trabaho mo! Pinagtapos ka naman ng tiyahin mo na nasa ibang bansa, pero wala ka pading nagagawa para makabayad sa utang niyo!" dagdag pa niya.

At hindi ko na masikmura ang mga binibitawan niyang salitang sa amin.

Unang beses palang sana akong sasagutin siya ng marahas na kumalas si Mama mula saking pagkakayakap.

"Wala kang karapatang sabihan ng ganyan ang anak ko, Julia hah!" napaawang nalang ang labi ko habang nakikinig sa pagtatalo nila.

Napansin ko din yung mga kapitbahay namin na nanonood sa eksena nila Mama ngayon.

"Wala kang alam sa mga ginagawa niya, kaya manahimik kana lang!" sunod pa ni Mama.

Wala naman akong magawa kundi ang pigilan nalang sila sa pag-aaway, masyado ng malaking kahihiyan ang ginagawa sa amin ni Aling Julia.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon