Lilaine's POV
"Nacheck niyo na ba yung mga ilaw sa gilid? Yung mga set of tables and chairs, kumpleto na din ba? Delivery ng mga bulaklak?" sunud-sunod kong tanong sa mga tauhan ko na ngayon ay pawang abala sa pag-aayos nung venue na pangyayarihan ng event ng isang Publishing Company out of nowhere na noong nakaraan ko pa iniisip.
"Yes po Ma'am, and ayos na din po lahat ng caterings sa labas." tumango ako at napapikit saglit, wait, naiistress ako ng slight.
"Okay, that's good to hear, thank you." umalis muna ako doon para sandaling makasagap ng hangin sa labas.
Kaya lang naman ako ganito kaagresibong maayos yung trabaho nila ay dahil sa malaki nga yung client na nagbayad for this whole resort.
Ayaw ko namang makarinig ng pangit na reviews from them kasi alam kong matagal na inalagaan ni Tiya Matisha yung pangalan nitong resort, tapos masisira ko lang dahil sa reklamo na matatanggap ko mula sa kanila.
Mabuti na nga lang at hindi pa ako masyadong pumapalpak sa trabaho ko na siyang ginagawa ko ngayon.
Malapit na mag-alas dose ng tanghali, mamayang 3PM pa naman magsisimula yung event pero napapansin ko na ang iilang guests na pumupunta na dito.
Masyado silang excited, tss.
Babalik na sana ako sa opisina nang magring yung cellphone ko na nakasukbit sa suot kong pants. Napakamot pa tuloy ako saking batok bago sinagot 'yon.
Nagpahangin pa tuloy ako saglit dito sa veranda, at inaamin ko na naiinitan na ako sa suot kong blazer.
"Hello?"
[ Lilaine, you need to get back here now! ] hindi ko agad maintindihan yung sinabi ni Lathan mula sa kabilang linya, para kasi siyang kinakabahan na ewan.
"A-Ano?! Bakit? Nandito pa ako sa trabaho ko Lathan, sinabi ko naman sayo na busy ako ngayon kasi---"
[ Damn! Inaapoy ng lagnat si Xyline, and she keeps on calling your name. She needs you right now, Lilaine. ] pagkadinig ko nun ay walang sabi-sabing binaba ko ang tawag at agad na nagtungong opisina para kunin ang mga gamit ko kasama nung susi ng kotse.
Wala na akong pakealam kung sino yung mababangga ko sa pagmamadali ko, jusqo! Ilang oras pa yung tatakbuhin ng sasakyan bago ako makarating ng Manila!
Binalot na ng kaba yung dibdib ko habang nagmamadaling tinatahak yung parking lot, kailangan ako ng anak ko kaya isasakripisyo ko ang aking trabaho para sa kanya.
Kapwa mabilis ang nagagawa kong paghinga at hindi ko na alam kung anong gagawin ko, masyado na akong nawawala sa sarili.
"Fuck!" napamura pa yung isang taong nabangga ko dahil sa bilis kong maglakad.
"Sorry, kailangan ko nang magmadali." wala sa sariling sabi ko nang hindi ko tinatapunan ng tingin yung itsura niya.
Tumakbo na ako patungo saking sasakyan at pagkapasok na pagkapasok ko doon ay pinaharurot ko na 'to palabas ng resort, papunta na ako Xyline, just wait for me anak.
***
Halos matisod pa ako sa suot kong heels pagkababa ko ng sasakyan, nanginginig din ang bawat daliri ko habang binubuksan yung gate.
Nagtuloy-tuloy ako sa main door at walang pasabing binuksan 'yon, doon na bumungad sakin ang katahimikan. Dumiretso akong kwarto ni Lathan dahil baka sakaling naroon ang anak ko kasama siya.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomantikSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
